Prologue

6.3K 174 9
                                    

"Ate May, tama na sa pag-iyak. Hindi siya worth it ng mga luha mo." si Marco


"Hindi mo alam yung nararamdaman ko Marco eh. Akala ko ako na eh. Akala ko totoo na lahat eh pero bakit siya pa? Pwede naman kahit sinong babae sa mundo bakit ung bestfriend ko pa? Ang tanga tanga ko. Ang tanga ko na naniwala ako sa kanya, naniwala ako sa kanila."


"Sinabihan na kasi kita Ate May na huwag kang magtitiwala eh." si Vivoree


Hindi ko na alam yung gagawin ko kaya niyakap ko na lang si Vivoree at umiyak sa balikat niya. I need a shoulder to cry on.


"Kahit kaibigan ko yan si Edward, I will really punch his face really hard." si Marco


"Alam mo Marco, walang maitutulong yan at gagawa ka lang ng napakalaking issue." si Vivoree


"Ah basta, magkaissue man, sasapakin ko talaga yan si Edward sa mukha." si Marco


"Sama ako diyan pare!" si Aizan


"Subukan mong sumali dyan Aizan, ikaw ang sasapakin ko!" si Fenech


"Ay sorry, sorry, di na po madam." si Aizan


Kahit papaano gumagaan yung loob ko dahil nandito sila. Pero nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil nagpakatanga ako. Nasasaktan ako dahil naniwala ako. Nasasaktan ako dahil umasa ako. Nasasaktan ako dahil nagmamahal ako.


"Ate May?! Ate May?!" nagpapanic na si Vivoree


"Viv, ano nangyari?" si Aizan


"Ate May?!" nagpapanic pa rin si Vivoree


*koooook... kooooooook* humihilik


"Bad trip ka naman ate May eh, tulog ka na pala. Kinabahan ako sa'yo eh." Kinakausap ni Vivoree ang tulog na si Maymay. Napagod na si Maymay sa pag-iyak.


"Bubuhatin ko na siya sa kwarto niyo." Binuhat na ni Marco si Maymay papunta sa kwarto ng mga girls at inihiga sa kama.


"Ate May... huwag ka nang umiyak. The right man will come for you. Not today but maybe in the near future." bulong ni Marco sa tulog na si Maymay habang kinukumutan niya ito.

ChancesWhere stories live. Discover now