Chapter 35 - The Bestfriend

1.6K 112 12
                                    

Maymay's POV


Everything went back to normal except sa hindi pa rin ako maalala ni Edward. He remembers everyone pati mga kaibigan ko at syempre maliban sa akin.


"Edward!" sigaw ko at tumakbo agad papunta sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit.


"Get off me! Crazy woman!"


"Girlfriend mo ko! Kaya tigil tigilan mo ako sa kakacrazy woman mo. Halikan kita diyan eh." sabi ko sa kanya.


"Tss! You're really crazy."


"Sige, tatanggapin ko na yung crazy woman. Nababaliw naman na talaga ako sa'yo eh."


Nakita kong huminga na lang siya ng malalim. Hindi talaga kita papakawalan Edward.


"Si Enrique Gil?!" sabay turo niya.


"Asan?!" lumingon ako dun sa kung saan siya tumuturo. "Asan ba? Wala naman akong makita?" bumalik ako ng tingin kay Edward pero nawala na siya na parang bula.


"Waaaaaaaaaaah! Naisahan niya ako. Aray!" May humampas kasi sa likod ko.


"Ano nanamang nginangawa mo diyan?" si Kristine.


"Bakit ba ang hilig mong manghampas? Ang bigat kaya ng kamay mo. Nawala si Edward na parang bula." sagot ko.


"Very good ka diyan sa ginagawa mo Ate May. You're not giving up." sabi ni Fenech.


"Ako pa ba? Gagawin ko lahat para sa..." sabi ko.


"Pag-ibig!" sabay sabay naming sinabing apat.


"Ahm, Ate May?" tumalikod ako para tingnan kung sino yung kumalabit sa akin. Si Kisses lang pala.


"Kisses!" sabay yakap ko sa kanya. I missed her. Wala naman na siguro akong dapat ikagalit. Naniniwala ako dun sa sinabi ni Edward sa sulat niya sa akin.


"Ate May... S-sorry..." nauutal niyang sabi dahil sa pag-iyak niya.


"Ano ka ba? Ok na. Ok lang." sabi ko.


"Hindi ka galit?" tanong niya sa akin.


"I think we need to leave the two of you para naman makapag-usap kayo." sabi ni Viv habang naglalakad papalayo sa amin.


"Upo muna tayo dun." niyaya ko siyang umupo. Tama naman na siguro yung time na makausap ko siya ngayon.

ChancesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu