Chapter 15 - The Ball Proposals

2.1K 120 16
                                    

"Ate May! Hoy! Nakikinig ka ba?"
si Fenech.

"Ha?"

"I knew it. Tango ka lang ng tango diyan pero hindi mo alam kung ano yang tinatanguan mo." si Fenech.

"Alam mo Ate May, kung ano man yang iniisip mo, isantabi mo muna." si Kristine.

"Kanina ka pa kasi nakatunganga diyan." si Viv.

Ewan ko ba pero wala talaga ako sa sarili ngayong araw. Ilang araw na rin yung nakalipas simula nung pumunta ako kila Edward. Ilang araw ko na din siyang iniiwasan.

"KYAAAAAAAAAAAH!" nagulat kami dahil may nagsisigawan dun sa quadrangle at itong tatlo as usual, nakiusyoso. Eh wala akong kasama kaya sumunod na lang ako sa kanila.
Andaming tao ang nakapalibot dun sa dalawang taong nasa gitna. Hindi ko naman makita yung mukha nung dalawa dahil sa dami ng tao at ayaw ko rin naman makipagsiksikan. Ang nakikita lang sa puwesto ko eh yung banner na may nakalagay na...

Kisses, will you be my date for the grand ball?

So grand ball proposal pala ito. Swerte naman ni Ate Girl. Every year kasi dito sa school may tinatawag na grand ball. Lahat ay required umattend at lahat ay required na may date kaya kapag wala kang date na dumating meron kang instant ka date kasi hahanapan ka nila. Masaya siya sobra lalo na kung may kadate ka talaga na inaya ka kaso mukha yatang pupunta ako with instant date. Ang nakakatawa sa instant date, hindi sa nandidiscriminate ako, eh yung mga weirdo sa school. Swerte mo na lang kung gwapo yung instant date mo. Siguro you'll have a 0.1% probability. Hahaha.

Pero sino nga ulit yung nandito sa ball proposal? Binasa ko ulit yung banner.

Kisses, will you be my date for the grand ball?

Kisses? Si Kisses? Kahit ayaw ko makipagsiksikan sumingit talaga ako makapunta lang sa harap.

"Aray!"

"Masakit!"

"Ano ba?!"

"Wala ngang manunulak!"

Matamaan ko na lahat ng pwede kong matamaan gusto ko lang makita yung nagyaya sa kanya for the grand ball.

"TABI!" hinahawi ko yung mga dinadaanan ko. Sa wakas nakalabas din sa amoy gubat este payatas na daan.

Nakita ko si Kisses dun at isang lalakeng nakatalikod. Hindi ko maidentify kung sino pero alam kong kilala ko itong likod na ito. Nakamic pala silang dalawa.

"Yes!" sabi ni Kisses. Kaya nagsigawan lahat ng tao dito sa quadrangle. Niyakap si Kisses nung lalake. Pinatalikod siya nito at sinuot sa kanya ang kwintas na tanda na siya ang kadate nito.

Isa sa tradisyon during grand ball is yung kwintas. Lahat ng boys dito sa Chase University ay may kwintas na may pendat ng logo ng college nila at sa likod nun ay may nakaengraved na pangalan nila. Ipinapasuot nila yung kwintas na yun sa taong magiging kadate nila for the ball at ibabalik lang yun ni girl, a week after the ball. Pero yung iba wala ng balikan. Alam niyo kung bakit? Because naging sila. Ang nakakatawa nga lang kapag naghiwalay kailangan ibalik yung kwintas. Yung suot ni Kisses ay logo ng Engineering.

May naalala ako na meron daw talagang hindi na naibalik yung kwintas dahil kinasal talaga sila. Nakakatawa man isipin pero sobrang sweet.

Lumingon yung lalake sa may gawi ko. Si Marco? Si Marco yung kadate ni Kisses. Waaaaaaah. Kinikilig ako. Gusto ko sumigaw pero baka isipin nila baliw ako.

ChancesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt