Chapter 13 - The Sister

2.2K 114 18
                                    

"Maymay!"


"Hindi mo rin pala ako matitiis." agad akong lumingon sa kanya kaso paglingon ko...


"Edward! Anu ba?! Ibaba mo ako! Bitawan mo nga ako! Tulong! Kidnapper!" Binuhat niya ako na parang bigas kaya nagsisigaw ako dito at pinaghahampas ko yung likod niya.


Narinig ko na may sasakyan na biglang tumigil sa harap niya. Kidnap ba talaga ito? Akala ko ibaba na niya ako para makasakay ako sa sasakyan. Nagkamali ata ako.


"Trust me with this ok." sabi niya sa akin.


"HINDI! Hoy Edward! Kung ano man yang plano mo wag mo ng ituloy."


"1"


"Hoy! Sasamplin kita."


"2"


"Mahal ko pa buhay ko."


"3"


"Waaaaaah!" napasigaw at napapikit ako sa sobrang kaba. Naramdaman ko na lang na ipinasok na niya ako sa sasakyan. Buhat niya lang ako kanina di ba? Anong nangyari?


"Let's go." sabi niya dun sa driver. Nagsimula ng magdrive si Manong sa daan na hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ang punta.


"San mo nanaman ba ako dadalhin?"


"Sa bahay!" sa bahay nila? Anong gagawin namin dun? May biglang pumasok sa isip ko. Hindi. Hindi yun pwede mangyari.


"Huwag kang mag-alala. Wala akong balak na masama sa'yo. Tandaan mo never kitang sasaktan." sabi niya sa akin.


Nagpaulit ulit sa isip ko yung katagang never kitang sasaktan. Mga katagang ipinangako noon ni Zach sa akin. Mga salitang hindi niya tinupad. Bakit ba naman kasi lumilitaw ka nanaman sa isip ko eh?


"Are you still listening?" kanina pa siguro siya nagsasalita. Hindi na ako sumagot dahil hindi ko rin naman alam yung isasagot ko. I really need to totally forget you Zach.


FASTFORWARD


"Maymay. Maymay. Wake up. We're already here." malumanay na paggising sa akin ni Edward. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa byahe. Tiningnan ko yung orasan ko.


"Gabi na pala. May load ka ba?" nag-aalala kasi ako baka hinahanap na nila ako sa bahay. Lumabas na rin ako ng sasakyan. Sobrang laki pala ng bahay nila. Bahay na matatawag mong mansyon.


"Here." inabot niya sa akin yung phone niya kaya tinawagan ko na agad si Kristine.

ChancesWhere stories live. Discover now