Special Chapter 3 - The Last Time

3.1K 98 12
                                    

Maymay's POV


"Kisses! Kisses! Natatae ata ako?"


"Ate May naman, nakakadiri ka ha. Magsisimula na yung kasal mo."


Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko ngayon. Para akong natatae pero parang hindi. Ang alam ko lang ay kinakabahan ako. As in, sobra. Ito na ba talaga ito? Hindi ba ako nananaginip? Nararamdaman ko na ang pagbutil butil ng pawis sa noo ko pero pinunasan naman agad ni Vivoree.


"Ate May, everything is real. This is it, pansit!" sabi ni Vivoree.


"You'll marry the man of your dreams. The man that love you so much." dugtong ni Fenech.


"Group hug!" sigaw ni Kristine. Niyakap naming ang isa't isa. Ito na talaga ito.


"Girls. Start na." sabi nung organizer.


It's been a long and winding journey
But I'm finally here tonight
Picking up the pieces
And walking back into the light


Nagsimula ng tumunog ang wedding song na pinili ni Edward. Nagsimula na rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang sari saring emosyon na nararamdaman ko ngayon. Naramdaman kong may kumakalabit sa likod ko kaya nilingon koi to agad.


Into the sunset of your glory.
Where my heart and future lies.


"Mama!" sabi ko sabay yakap sa kanya. Hindi ko inexpect na makakarating sila dahil alam kong medyo busy siya sa trabaho niya sa ibang bansa.


"Ako? Walang hug!" sabi ni Kuya Vincent kaya niyakap ko siya agad. "Congrats May! Ang galing mong mangkulam! Aray!" dugtong niya kaya nahampas ko siya. Naramdaman kong may nakayakap sa legs ko.


"Bunso!" sabi ko sabay yakap sa kanya. Naiiyak ako dahil nandito sila.


"Oh! Huwag ng umiyak, masisira yung make up mo." sabi ni Mama. "This is your important day, ayoko namang lumabas ang prinsesa namin dun na mukhang ewan." dugtong niya.


"Mukhang ewan ba talaga ma? o panget?" sabi ni Kuya Vincent kaya nahampas ko nanaman siya. "Di naman mabiro. Ma, dalhin ko na si bunso sa loob."


Ako na. It's my turn to walk down the aisle. Huminga ako ng malalim.


"Smile lang anak." sabi ni Mama pero nakikita sa mga mata niyang naiiyak na siya.


There's nothing like that feeling
When I look into your eyes


I held the hands of my mom. Iniintay kong bumukas ang napakalaking pintuan ng simbahan. Paulit ulitin kong sasabihin na patuloy ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ayokong umiyak pero feeling ko kapag nakita ko na si Edward ay magsisimula na itong pumatak.

ChancesWhere stories live. Discover now