Special Chapter 2

1.6K 85 4
                                    

Edward's POV


I woke up early because I slept early last night but I made sure that the man they invited for the bridal shower will not be able to come. Binigyan ko siya ng pera na doble nung binayad nila. KJ na kung KJ pero akin lang ang Twinnie ko.


I feel excited right now but nervous at the same time. Hindi ko alam yung feeling ng isang married man pero I'll make sure that I'll be the best husband for my best wife. I remember what my mother said when I announced to them that I'm getting married. Ang pagpapakasal daw ay hindi mainit na kanin na kapag napaso ka ay pwede mo na lang iluwa. Its a lifetime commitment.


Dumaan lang din ako sa bachelor's party. I don't need to celebrate the last day of being single. I would rather celebrate the years of being married than the last day of being single. Kung pwede nga lang makita ko si Twinnie last night ginawa ko na pero kailangan daw sundin ang pamahiin. Wala namang mawawala kung susundin.


Nakapagsulat na rin ako ng wedding vow na pinag-isipan ko ng isang buong linggo bago ang araw na ito. Hindi naman siya ganun kahaba at di naman ganun kaikli ang importante ay masabi ko ang mga pangakong hinding hindi ko bibitawan.


*Knock Knock*


"Pasok." sabi ko.


"Pare!" takbo sa akin Marco at niyakap ako. "Welcome to the club!"


"Mamaya pa ang kasal." tugon ko sa kanya.


"Bakit aatras ka ba?"


"No. Sa dinami ba naman ng pinagdaanan namin aatras pa ba ako."


"Mag-aayos na kami ng sarili namin. Nagpadeliver na rin pala si Tito Kevin ng breakfast sa mga rooms natin." sabi ni Marco sabay alis.


Ako lang ang nasa room ko. Si Marco, Yong, Christian at Aizan naman ay magkakasama sa isang room. Plano nila yun dahil baka daw after bachelor's party ay may dalhin akong mga babae sa room. Loko loko ba sila? Hindi ako fuck boy tulad nila.


I really can't believe that I'll marry her. I remember the first day that I met her for real. Kilala ko na siya simula pa nung 1st year college kami and that's the time na sinabi ko sa sarili ko na siya na. Mapaglaro talaga si tadhana, 3 years kong tinago yung nararamdaman ko para sa kanya. 3 years akong nakukuntento lang sa pagsulyap sa kanya. Hindi sa pagmamayabang pero lahat siguro ng babae na nagiging kaklase ko ay may gusto na sa akin pero iba siya, never niya akong napansin hanggang sa nag4th year kami at nagkakilala.


Flashback
(1st Year College)


"Pare saan tayo?" tanong ni Marco.


"May next class tayo di ba?" sagot ni Christian.


"Oo nga, sa TBA yung room. Anong building yun? Aray!" hinampas si Yong ni Aizan.

ChancesWhere stories live. Discover now