Chapter 39 - The Separate Ways

1.8K 108 23
                                    

Maymay's POV


Last 5 minutes na lang sa last class ko matatapos na ang school year na ito. Unti na lang talaga. Marami pang sinasabing farewell message itong prof. namin.


"Class dismiss!" sabi nung Prof.


"Yes! Tapos na ang taon." sigaw ko dahil simula na ng bakasyon.


"Ang ingay mo Ate May." pabulong na sabi ni Kisses.


"May last game daw ngayon sa basketball court. Laban ng school natin at Gregory Academy. Tara nood tayo. Sino sasama? taas ng kamay." sabi ni Kristine. Sa aming lima ako lang hindi nagtaas.


"Ano ito dejavu? Yung last time na nagkayayaan tayo hindi ka rin nagtaas Ate May." sabi ni Fenech.


"Tapos doon pala magsisimula ang lovelife niya." sabi ni Kisses.


"Shhhh!" sabay sabay yung tatlo.


"Sorry." sabi ni Kisses.


"Ano ba kayo? Ok lang. Sige manood tayo para suportahan niyo naman yung mga boyfriend niyo na." sabi ko. Hindi na talaga ako masyado affected tungkol kay Edward. Siguro dahil hindi ko siya nakikita palagi at kong magtatagpo man kami para lang hindi namin kilala ang isa't isa. Literal palang hindi niya ako kilala. And I'm on the pace of moving on.


Lumabas na kami sa room at nakaabang na pala si Tanner sa labas. Lagi ko ng kasama si Tanner kahit saan. Issue nanaman nga para sa iba na kesyo ambilis ko magpalit ng jowa. Hindi ko po boyfriend si Tanner. Friends lang kami. He is always there when I need someone to lean on. Nakikipag-away pa rin ba ako? Syempre naman. Marunong na akong lumaban ngayon pero as usual may dakilang KJ. Kilala niyo na kung sino. Si Superman.


"Kaya naman pala hindi na affected si Ateng. Meron Superman naman pala. How to be you po?" tanong ni Viv.


"Anong gusto mo Viv? sabunot? sampal? sapak? o tadyak? Pumili ka ibibigay ko sa'yo for free." sabi ko sa kanya.


"Brutal!" sagot niya sa akin.


Naglakad na kami papunta sa gymnasium para dun sa game. Sumama na rin si Tanner sa amin since wala naman siyang pupuntahang iba. Halata kong parang nacoconscious si Tanner dahil puro babae yung kasama niya kaya pinauna ko na yung ibang girls at sumunod na lang kami.


Pagkapasok namin ay nagsisimula na yung game. Buti na lang nakita namin agad sila Viv at nagreserve na sila ng upuan para sa aming dalawa.


"Go Yong!" sigaw ni Kristine.


"Marco! Marco! Marco!" si Kisses na kunti na lang magwala dito.


"Go Aizan My Loves!" sigaw ni kumander.

ChancesWhere stories live. Discover now