Chapter 56 - The Answer

1.8K 104 14
                                    

Maymay's POV


"Ilayo layo mo sa akin yang kamay mo baka masuntok kita." sabi ko sa makulit na lalakeng kausap ko ngayon.


"Kung ganyan yung way para sabihing mahal mo ako, I'm willing to get punched as many times as you want" sagot ni Edward sa akin.


"Gusto mo atang mahimatay ulit?" sagot ko.


Nagising naman siya agad nung nawalan siya ng malay kanina. Muntik na akong magpanic sa sobrang kaba dahil hindi ko alam yung gagawin. Buti na lang talaga at tinulungan ako ni Marco at Chan. 


Andito kami sa guest room ng bahay nila Kisses. Nakaupo kami parehas sa kama at nililinis ko yung sugat niya ngayon, mga sugat na nakuha niya sa pakikipagsuntukan kay Marco. Idiniin ko yung cotton na may alcohol sa sugat niya sa sobrang irita ko sa pangungulit niya sa akin.


"Ahhhhhh!" sigaw ni Edward pero ito ako tawang tawa. "Are you happy now?" bigla niyang tanong. Pero ito ako tawa pa rin ng tawa hanggang sa bigla niya akong hinalikan sa pisngi.


Napatigil ako sa pagtawa at parang biglang bumagal ang oras. Then he kissed me again but this time in my forehead.


"I love the way you think." sabi niya. He kissed my nose.


"I love the way you smell everyday." sabi niya ulit. Hindi ko alam kung bakit ako pinagpapawisan kahit malamig dito sa kuwarto. He kissed my cheeks.


"I love your beautiful face." tinitingnan niya ako sa mata habang sinasabi niya ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Para akong ice cream na natutunaw sa mga titig niya. He kissed my left ear.


"I love the things I hear about you." sabi niya. Then he kissed me on my neck papunta sa shoulders ko. Gusto ko siyang itulak pero parang may pumipigil sa akin para gawin yun. I let him do it.


"I love you." sabi niya. Papalapit na ng papalapit yung mukha niya sa akin. Naramdaman kong dumikit ang labi niya sa mga labi ko. Pinagpapawisan na talaga ako ng bonggang bongga pero hindi pa rin ako bumibitaw sa halik niya. Nabitawan ko na yung mga hawak ko kanina at unti unti niya akong inaalalayan para makahiga sa kama.


"Tama ba itong gagawin ko?" yan yung tanong na tumatakbo sa isip ko. Gusto ko siyang pigilan pero ayaw talaga eh. Hanggang sa nakahiga na ako ng tuluyan sa kama at patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin.


"Ate May! Kamus... Ay... sorry..." narinig ko ang boses ni Vivoree kaya naitulak ko si Edward papalayo sa akin at nalaglag siya sa kama. Umupo din ako agad agad at inayos ang sarili. Umupo din agad si Edward dun sa upuan na malayo sa akin at kumuha ng unan. Hindi ko rin alam kung bakit kumuha siya ng unan para lang ipatong sa legs niya.


"Bakit hindi kasi kayo naglolock?" sabi ni Vivoree na nakatalikod.


"Ha? Humarap ka nga. Wala naman kaming ginagawa." sabi ko.


Lumingon naman agad si Vivoree at nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Edward. "Alam mo Ate May! Normal na lang yan pero sana naman marunong kayong maglock ng pinto bago kayo gumawa ng milagro."

ChancesWhere stories live. Discover now