Epilogue

2.2K 98 24
                                    

Maymay's POV

Naglalakad na ako sa aisle. Suot suot ko ang isang napakagandang white gown. Kasal kung kasal talaga ang peg. Naririnig ko na ang tunog ng wedding march. Gusto kong maiyak pero baka masira lang yung makeup ko kaya pinigilan ko na lang. Nakikita ko si Edward malapit sa altar. Nagiintay at nakatingin sa bawat steps na aking ginagawa. Ganito pala ang feeling kapag ikakasal ka na. Hindi mo maexplain. Gusto mo na ayaw mo. Nakakaba pero nakakaexcite.

Nakikita ko rin ang mga kaibigan namin na nakangiti. Masaya kaming lahat para sa araw na ito. Malapit na ako makarating sa altar. Nginitian ko si Edward at sinagot din naman niya ako ng isa ring matamis na ngiti. Tumapat ako kung saan dapat uupo ang maid of honor. Best man nga pala si Edward. 6 months na rin kaming engaged and by July during Edward's birthday kami ikakasal.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na engaged na kami ni Edward. Na sa dinami dami ng pinagdaanan namin ay magiging happy ending din ang lahat.

"Fenech, do you take Aizan Perez to be your lawfully wedded husband?" tanong ng pari. Itong so Fenech naman ay sobrang tagal sumagot kaya makikita mong kinakabahan na si Aizan.

"Bakit ang tagal mo sumagot?" sabi ni Aizan kaya nagtawanan lahat ng tao sa simbahan.

"Of course, I do, I do father." sabi ni Fenech na nagpatawa nanaman sa mga tao. Magiging nakakatawa rin kaya katulad nito yung magiging kasal namin?

Lahat naman siguro ng tao ay may infinite number of chance. As long as buhay ka pa you will still have a chance on everything.

Pero may mga chances talaga na sadyang finite lang. Nauubos at hindi mo na pwede balikan. No return, no exchange ika nga., Kapag gamit na, tapos na. At ito yung klase ng chance na you need to make good use of.

At ang pagkakaroon ng chance ng isang tao ay nakadepende sa taong nagbibigay nito. Depende sa kung anong nararamdaman niya. Depende sa kung ano ka para sa kanya.

Sino bang mag-aakala na ang roller coaster na kwento ng buhay namin ni Edward ay magkakaroon din naman pala ng happy ending? Dahil lahat yun sa chance. Sa chance na hindi mo alam kung anong patutunguhan. Sa chance na hindi mo alam kung kaya mo panindigan. Sa chance na kaya mong ibigay dahil nagmamahal ka.

I know that there is no such thing as a perfect relationship and having an unperfect relationship makes it more stronger.

Bakit ka masaya?

Bakit ka malungkot?

Bakit ka napapagod?

Bakit ka naiiyak?

Bakit ka naeexcite?

Bakit ka kinikilig?

Bakit ka naiistress?

Lahat na siguro ng mga tanong na yan ay naitanong na sa akin habang kami ni Edward. Pero sa lahat ng tanong na yan, isa lang ang isasagot ko...

Dahil nagmahal...

nagmamahal at...

magmamahal ako.

"Twinnie, why are you sitting there on your own? Hindi ka pa kumakain. May problema ba?" si Edward.

"Wala naman. Nag-iisip lang."

"Ang Twinnie ko talaga lagi mo na lang akong iniisip. Nakakapagod tuloy tumakbo diyan sa isipan mo." sabay kiss niya sa forehead ko.

"I love you." sabi ko.

"I love you, too." and he kissed me on my lips.

The End.

ChancesWhere stories live. Discover now