Chapter 17 - The Past

2.1K 107 6
                                    

Tumutunog yung phone ko kaya nagising ako agad. Tiningnan ko yung oras, 5:00 am pa lang, sino bang matinong tao ang tatawag ng ganito ka aga? Sinagot ko na agad yung phone ko kahit di ko tinitignan kung sino yung tumatawag.

"Hello! Nasa katinuan ka ba? 5:00 pa lang ng umaga tumatawag na agad?"

"Nasigawan agad ako? Wala man lang bang Good Morning and I love you diyan?" Bushak! Si Edward.

"Good Morning! Sorry." sagot ko sa kanya.

"Good Morning lang. Walang man lang bang I love you?" paglalambing niya.

"Manigas ka!"

"Sige, magiging estatwa ako dito sa labas ng apartment niyo, masabihan mo lang ako ng I love you." sagot niya sa akin.

"What?! Anong ginagawa mo dyan sa labas?" napabalikwas ako sa higaan at nagmadaling pumunta sa CR.

"Let's have breakfast."

*Blag!*

Sa kakamadali kong ayusin yung sarili ko parang wala na akong paki-alam sa mga bumabagsak na gamit sa paligid ko.

"Huwag masyadong magmadali. Take your time. Hindi mo naman kailangan mag-ayos. Kahit ano pang itsura mo, mahal pa rin naman kita at kahit umabot ka ng isang oras diyan, I'm very willing to wait."

"Ewan ko sa'yo!"

Binaba ko muna yung phone dahil naisipan kong maligo. Nagmadali akong maligo. Nakakahiya naman kung maghihilamos lang ako. Nagpalit ako ng damit, shorts at polo shirt lang. Bakit ba kasi ang aga niya mag-almusal?

Almost 1 month na yung nakaraan after nung proposal niya and almost 1 month na rin siyang nanliligaw. Araw araw niya akong hatid sundo. Kapag minsan may training siya, ako naman ang nag iintay sa kanya. Wala namang masyadong bago. Bangayan pa rin kami to the max pero this time I know that he loves me and I love him too pero di ko pa masabi dahil marami pa akong doubts. May right time for everything.

Tumawag ulit siya kaya sinagot ko na agad.

"Pababa na ako."

"Don't worry. I'm waiting." sabi niya.

Nakangiti siyang nakatingin sa akin pagkalabas ko ng pintuan pero nag-iba yung timpla ng mukha niya nung lumabas na ako sa gate.

"Magpalit ka dun." utos niya. Ano nanamang trip nitong lalakeng ito?

"Bakit? Ok naman ah? Maayos naman."

"Pwes ako ang may problema sa suot mo. Palit na dun. Dali." inikot niya ako paharap sa gate para pumasok at magpalit ng damit.

"Ayoko." pagmamaktol ko.

"Masyado kasing maikli eh. Sige na. Palit na dun. Pleassseeee." nagpapacute na siya. Ginagamit na niya yung kahinaan ko. Waaaaaah. Kinikilig ako. Hindi Maymay. Hindi ka magpapaapekto.

"Ayoko pa din."

"Libre kita ng burger with fries." bakit ba alam na alam niya yung kahinaan ko? Maymay hindi. Hindi ka affected.

"A....yaw."

"Kiss na lang kita." buwisit kang lalake ka. Tinakpan ko agad yung bibig ko.

"Sige na. Ok na. Magpapalit na po." sinasabi ko yan habang takip ko yung aking bibig.

"Good. I'll wait you here. I love you."

ChancesWhere stories live. Discover now