Chapter 57 - The Awkward Situation

1.9K 112 19
                                    

Edward's POV


*Kring Kring*


Tumunog na yung alarm clock ko pero hindi pa rin ako nakakatulog dahil iniisip ko pa rin yung sagot ni Maymay kahapon.


"Arrrgggh!" sabay gulo ko sa buhok ko at pagpadyak ng nakahiga.


*Ding Dong* tumunog yung door bell pero tinatamad talaga akong tumayo kaya pinabayaan ko na lang yung nagdodoorbell.


*Ring Ring* cellphone ko naman yung tumutunog. Inabot ko yung phone ko at sinagot kung sino man yung tumatawag.


"Hello."


"Bubuksan mo ba yung pinto o mawawalan ka ng girlfriend ngayong araw din na ito."


Napabalikwas ako at nagmadaling pumunta sa may pintuan. "Wait lang." Medyo nahihilo ako sa pagkakatayo ko ng biglaan.


Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Twinnie na nakasimangot habang dala ang isang tray ng pagkain. Pumasok siya ng walang sinasabi. Niyakap ko siya agad. Back hug.


"Huwag ka ng magalit. Wala pa kasi akong tulog eh." sabay halik sa leeg niya. "Aray!" medyo masakit yung pagsiko niya sa sikmura ko kaya napabitiw ako ng yakap sa kanya.


She faced me and kissed me on my lips. Magsasalita pa sana ako pero lumabas na siya sa unit ko. "Bakit ba lagi mo akong binibitin?!" sigaw ko.


Kinain ko na yung dala niyang pagkain kahit medyo maalat pero dahil siya ang may gawa it becomes so special at dahil nabusog na ako saka ako dinalaw ng antok.


"Edward, do you take Maymay to be your lawfully wedded wife?" sabi ng pari na katabi ko ngayon. Kaharap ko si Maymay na nakasuot ng damit pangkasal. Nilingon ko yung paligid ko at nasa isang malaking simbahan kami na hindi ko alam kung saan. Am I really getting married right now?


"I do." sabi ko.


"Maymay, do you take Edward to be your lawfully wedded husband?"


*Ding Dong* paulit ulit yung tunog hanggang sa unti unting nawala si Maymay sa paningin ko at nagising ako sa aking pagkakahimbing. Hanggang panaginip na rin nabibitin ako.


*Ding Dong*


Tumayo ako sa kamang iritang irita at dumiretso sa pintuan para buksan ito.


"Just wake up?" tanong sa akin ni Marco sabay pasok sa unit ko.


"Why are you here?"


"Ganyan ka na pala magwelcome sa bisita? Si Kisses ay na kay Ate May and since magkatapat lang kayo ng unit binisita na kita dito."

ChancesWhere stories live. Discover now