Chapter 43 - The Coffee Shop

2K 95 28
                                    

Maymay's POV


3 days na yung nakakalipas after nung get together. Ok na kami ni Tanner, hindi na siya galit. Andito ako ngayon sa trabaho ko, as usual, marami nanamang ginagawa. Hindi ko nga alam kung kailan kami hindi magiging busy. Wala si Tanner ngayon dahil nasa Baguio for a project. Sa pagkakaalam ko ay bukas pa ang uwi niya.


Nagring yung telephone dito sa cubicle ko kaya sinagot ko agad. "Ms. May, may naghahanap po sa inyo dito." galing sa lobby yung tawag.


"Sino daw?" tanong ko.


"Mr. Edward Barber daw po." Bakit andito yang lalakeng yan?


"Pakisabi busy ako. Marami akong ginagawa." sabi ko pero may naisip akong ibang plano. "Nagbago isip ko. Baba na lang ako." sabi ko.


"Sige po Mam." sagot niya. Saka ko binaba yung phone. Bahala siya diyan mag-intay. Tiningnan ko yung orasan, 2:30 pm pa lang. Tingnan natin kung tatagal siya ng dalawa't kalahating oras sa pagiintay.


"5:00 na. Uwian na." sabi ko. Nagpaalam na ako sa mga katrabaho ko. Since walang susundo sa akin, gagala muna ako kung saan saan.


Naglalakad na ako sa lobby ng biglang lumapit sa akin yung nakausap ko kanina. "Mam, andyan pa po si Mr. Barber. Hindi po siya umalis simula kanina pa nung sinabi niyong baba po kayo." Medyo nahiya ako dun dahil nakalimutan kong pumunta nga pala si Edward kanina.


Pumunta ako sa visitors lounge. Andun nga siya at mukhang timang na natutulog. At may babaeng kinukuhaan siya ng pictures. Kaya lumapit na ako hindi sa kanya kundi dun sa babae.


"Phone." hinihingi ko sa babae yung phone niya.


"At bakit mo kailangan ang phone ko?" pagmamaldita niya. Huwag niya akong minamalditahan, dahil mas maldita na ako sa kanya. Isa yan sa mga bago sa ugali ko na gustong gusto ko.


"Ibibigay mo o gusto mong unahin kong durugin yang mukha mo?" paghahamon ko sa kanya.


"Girlifriend ka ba niya?"


"Ano namang pake mo kung girlfriend niya ako? Akin na yung phone mo bago pa maubos ang pasensya ko sa'yo?" Hindi niya siguro akalain sa itsura kong ito ay maghahamon ako ng away pero dahil na rin siguro sa takot ay binigay niya yung phone niya. Hinanap ko yung picture ni Edward. Grabe mga 20+ pictures din yung nakuha ni ate pero lahat yun dinelete ko.


Binalik ko sa kanya yung phone niya at lumapit sa tenga niya para bumulong. "Don't ever do it again. And for your information, he is my boyfriend. Layas!"


Tumakbo na si Ate. Parang gusto kong isuka yung sinabi ko pero tawa ako ng tawa sa itsura niya. Pero hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa yun. Lumapit na ako kay Edward at sinipasipa yung paa niya para magising siya.


"Hoy lalake gumising ka na." sabi ko. Nagising naman siya at yung itsura niya ay parang anong-lugar-ito look. Pero napatayo siya bigla ng mapansin niyang nasa harap niya ako.

ChancesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora