Chapter 1 - The Girls

4.1K 121 6
                                    

Everyone deserves a chance.

A chance to change.

A chance to have an opportunity.

A chance to be forgiven.

A chance to be someone who they want to be.

A chance to be with the one you love.

But the question is...

Hanggang kailan ka magbibigay na chance?

Kung sa bawat chance na binibigay mo ay sinasayang lang din naman niya.

Are you still loved by him? Or...

You're just being stupid to be loved by him.

"ATE MAY!" sigaw ni Kisses sa labas ng kuwarto. Panira ito ng binabasa ko eh. Nagsisimula pa lang ako.

"ANO YUN BEBE GURL?!" nakakatamad bumangon dito sa kama kaya ito ako sumisigaw rin.

"ATE MAY! SI ENRIQUE GIL NASA TV! Waaaaaaah!" narinig ko lang yung pangalan ni Enrique, wala pa sigurong limang segundo nasa tabi na ako ni Kisses.

"Waaaaah! Asan? Asan dyan? Si Kim Chui yan eh? Asan diyan si Enrique?"

"Ambagal mo Ate May eh. Tapos na siyang sumayaw."

Lugmok mode. Akala ko masusulyapan ko na ang kagwapuhan ng aking minamahal na si Enrique.

"GIRLS! Kakain na. May pasok pa tayo." Si Kristine.

Nakalimutan kong ipakilala yung sarili ko. I'm Marydale Entrata, you can call me May May for short. I'm currently living in an apartment with my friends. Super duper ultimately crush ko si Enrique Gil my love so sweet.

"Ate May. Ang aga aga nagiilusyon. Kumain ka na. Gutom lang yan."

She's Fenech. Mahinhin from the outside pero siya ang commander sa ROTC ng school namin and ang pinakamagandang dance sport varsity ng school.

"Si Enrique nanaman iniisip niyan. Hindi kasi niya napanood kanina."

Si Kisses. My bebe gurl. Ang ever supportive best friend ko. Only child siya kaya she's considering me as her long lost big sister. Mabait yan at higit sa lahat sobrang ganda. Beauty Queen din siya sa school namin representing the College of Arts and Science.

"Ay naku Ate May. Gutom lang talaga yan."

This is Kristine. One of the most beautiful volleyball player in our university. Sadista nga lang minsan dahil sa lakas niyang manghampas na parang madidislocate yung buto buto mo sa katawan.

"Ate May, yung ulam paabot nga po. Pleasssseeee."

Inaabot ko naman dahil mabait ako. She's Vivoree but we preferably call her as Viv. Boyish pero hindi tomboy. Siya kaya ang may pinakamaraming crush sa amin na artistang lalake at siya din ang pinakamahilig umawra kung saan saan. Magaling siyang sumayaw at kumanta kaya nagkakasundo kami.

"Bilisan na kasi ang kilos. Baka kung anong oras pa tayo matapos." si Kristine.

"YES MAM!" sabay sabay kami with matching saludo.

TO BE CONTINUED

ChancesWhere stories live. Discover now