Chapter 9 - The Heartbeat

2.1K 119 31
                                    

Sinigaw ko lahat ng gusto kong isigaw. Sinigaw ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.


Antanga mo Marydale. Napakatanga mo. May pasabi sabi ka pang, you're not ready to love if you're not ready to get hurt. Hindi mo naman ma-apply sa sarili mo.


Bakit kasi nagmahal ka pa ng taong lolokohin at paglalaruan ka lang? at paulit ulitin ko sa;yo na ang tanga mo para magpaloko.


"I don't want to see a girl crying." sabay abot niya ng panyo.


"Tanner?" anong ginagawa ng lalakeng yan dito?


"I just thought you need someone to talk to, so I followed you here. Are you ok?"


"I'm ok. I'm not even crying. Napuwing lang ako. Lumakas yung hangin kanina."


"It looks like you're bad at lying. Don't worry, I'm here to listen. If you want to cry, then cry." pagkasabi niya nun, biglang bumagsak na lang ang luha sa traydor kong mga mata.


"Ang tanga ko kasi eh. You know tanga?"


"Stupid?"


"Right. I'm so stupid for falling in love with someone who will just choose to break my heart. Niloko niya ako. May pasabi sabi pa siyang MAHAL NA MAHAL NA MAHAL niya ako pero grabe bai talaga, may MAS MAHAL daw siyang iba. Tatlong mahal yung akin eh, sa kanya isa lang pero meron kasing salitang MAS eh." 


Hindi pa rin tumitigil sa pag-agos yung luha sa aking mga mata. Para na nga akong baliw dito eh. Iyak tawa to the max. Hindi pa siguro naintindihan nitong kausap ko yung mga pinagsasabi ko pero at least, there is someone here to listen to me.


Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. He hugged me. Isang yakap na sobrang higpit. Yakap na nagparamdam sa akin na lagi siyang nandiyan para makinig sa mga problema ko.


"Everything will be alright." sinasabi niya habang hinahagod yung likod ko.


"Thank you for being here."


"I will always be."


Hindi pa kami one day na magkaibigan ni Tanner pero sobrang gaan na ng loob ko sa kanya. Matagal tagal din siyang nakayakap sa akin. Nabigla ako dahil may humila sa akin sa pagkakayakap ko kay Tanner.


"Let's go!"  Hinila bigla yung kamay ko para makabitiw ako sa yakap ko kay Tanner.


"Where are you bringing her?" sigaw ni Tanner.


"Far away from you!" sigaw nitong lalakeng humihila sa akin. 


"Edward anu ba?! Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kaniya pero hindi siya umimik at patuloy lang sa paglalakad.

ChancesWhere stories live. Discover now