Chapter 22 - The Amusement Park

2.1K 118 3
                                    

MAYMAY'S POV

"San ba tayo pupunta?"

Tumatakbo kami ngayon habang hawak niya ang aking kamay. Kailangan daw namin maabutan yung van na sasakyan namin at baka mahuli pa kami sa pupuntahan namin kung sasakay kami sa next trip.

"It's a surprise." sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit ako napapangiti. Siguro hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari nung mga nakaraang linggo. Hindi pa rin pumapasok sa isip ko na kami na, na boyfriend ko na siya.

"You go first." sabi sa akin ni Edward.

Pumasok na ako agad at umupo sa loob ng van. Tumabi agad siya sa akin.

"Ano nanamang iniisip ng Twinnie ko?"

You heard it right. May bago kaming endearment sa isa't isa. Siya yung nakaisip dahil para na daw kaming kambal sa lahat ng bagay.

"Wala naman Twin. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala."

"Until now, you still don't believe that I love you?"

"Baliw! Hindi lang ako makapaniwala sa mga nangyayari but I believe that you love me."

*Smirk*

Masasampal ko ng wala sa oras itong lalakeng ito eh. Pero paano ko masasampal itong guwapong nilalang na ito na nakasimangot sa harap ko ngayon. Ang cute. Nanggigigil ako.

"Ui. Sorry na. Alam ko namang love mo ako eh. Hindi lang ako makapaniwala na sobrang bilis ng mga pangyayari." pag-aalo ko sa kanya.

Hindi pa rin siya lumilingon sa akin.

"Manong, bayad po. Dalawa." inabot na niya yung bayad namin pero di pa rin niya ako pinapansin.

"Ui. Sorry na. Love naman kita eh. Twinnie?" sinasabi ko ito habang dinudutdot yung pisngi niya.

Nakikita kong napapangiti na siya sa pangungulit ko.

"Ui. Twinnie sorry na."

Lumingon siya sa akin ng nakangiti. Paniguradong may maitim na balak itong lalakeng ito.

"Kiss muna." sabi niya habang tinuturo yung pisngi. Sabi na nga ba eh.

"Asa!" sabay hawi ko sa mukha niya. Nakita kong humagalpak siya ng tawa. Pero nakaisip ako bigla ng paraan, tingnan natin kung makatawa pa siya.

I kissed him. Napatigil siya sa pagtawa na parang naging estatwa na hindi makagalaw. Nakita kong namula nanaman ang kanyang mukha. Nagtulog tulugan agad ako kaso nga lang natuluyan ang pagtulog ko.

==========
EDWARD'S POV

I wasn't able to move when she kissed me on the cheeks. Lagi na lang ako ganito kapag hinahalikan niya ako bigla bigla sa pisngi. She's really driving me crazy. And weakness ko na talaga yung mga pabigla bigla niyang halik.

Lumingon ako sa gawi niya pero itong babaeng ito nagtulog tulugan nanaman. Akala naman niya hindi ko alam yung ginawa niya.

"Twinnie. I know you're just pretending to be asleep."

Tinapik tapik ko siya pero wala talagang response. She's really in a deep sleep. Maaga ko rin naman kasi siyang sinundo sa bahay nila kanina.

Inayos ko yung ulo niya. I lean her head to my shoulder para naman maging komportable siya habang natutulog sa byahe.

"I love you. Twinnie." and I kissed her head.

ChancesKde žijí příběhy. Začni objevovat