Chapter 38 - The Moving On

1.7K 111 9
                                    

Maymay's POV


Tatlong linggo na ang nakakalipas simula nung nadala ako sa ospital. Nakatanggal na rin yung cast sa braso ko. Kamusta na ako? Ewan. Hindi ko alam.


"Alam mo ba? Brineak na daw si Maymay ni Edward. Buti na lang talaga totoong natauhan na si Edward. Gold digger kasi." sabi nung isang babae. Hindi pa ba tapos ang issue na yan? Ilang linggo na yung nakakaraan ah? Wala ba silang magawang matino sa buhay nila.


"Malandi pa. Pagsusunod sunurin ba naman si Edward, Zach at Tanner. Sobrang landi talaga." sagot nung isa.


Nagpintig yung tenga ko bigla. Hindi ako lumalaban noon pero ngayon gagawin ko na yung dapat kong ginawa noon pa. Naglakad ako papalapit sa dalawang babaeng nagfefeeling maganda. Umiinit na kaso yung dugo ko.


"Excuse me. Ako ata yung pinaguusapan niyo?" sabi ko.


"Hindi ka pala bingi?" sabi nung isang babae.


"Oo, hindi ako bingi, hindi rin ako gold digger, hindi ako malandi pero nanapak ako ng mga babaeng walang tigil ang bibig." hinila ko yung buhok nilang dalawa. Wala akong pakialam kung dalawa sila pero sasabunutan ko sila hanggang sa makalbo silang dalawa.


Nahawakan din nila yung buhok ko. Dalawa silang sinasabunutan ko pero dalawa naman silang sumasabunot sa akin. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung lakas ng loob kong lumaban sa dalawang babaeng ito.


"Maymay!" nagulat na lang ako dahil may biglang bumuhat sa akin papalayo dun sa dalawang babae. Yung dalawang babae naman ay hawak hawak naman ng mga security guards.


"Tanner, bitawan mo ako! Hindi pa ako tapos sa kanila! Hindi ako gold digger! Hindi ako malandi!" sigaw ko habang hinahampas ang likod ni Tanner. Buhat buhat niya ako na parang bigas.


"Can you just stop?!" sigaw ni Tanner. Para akong batang nasigawan ng mga magulang ko kaya napatahimik na lang ako. Maya maya binaba din ako ni Tanner at pinaupo dun sa bench.


"Why did you that? Are you happy now? How many times do I have to tell you Maymay that you should not mind them?!" nararamdaman kong sa pagsasalita ni Tanner na galit siya. Ito yung pinakaunang pagkakataon na makita siyang galit na galit.


"Ano? Tatanggapin ko na lang? Na isa akong malandi at gold digger na babae? Naiintindihan mo ba yang mga sinasabi mo? Wala ba akong karapatang ipaglaban kung ano yung alam kong tama." nagsimula ng tumulo ang luha sa aking mga mata. Oo, galit ako.


"Does it change anything? You pulled their hair, does it mean that you're not a gold digger anymore? You just put yourself down to their level." sabi sa akin ni Tanner.


"Ano bang pakialam mo? Sino ka ba sa akala mo? Unang una sa lahat, you're not even part of my family at hindi kita boyfriend para pakialman ako sa mga ginagawa ko. Gagawin ko kung anong gusto kong gawin?"

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon