Chapter 24 - The Ex

1.8K 118 11
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari last week. Nakita ko si Zach at alam kong nakita rin niya ako. Nakalimutan ko na ba talaga siya? o nakalimutan ko lang dahil dumating na si Edward sa buhay ko? Ewan. Hindi ko alam. Mahal ko si Edward. Mahal na Mahal. Pero bakit kailangan mo pang bumalik, Zach?

Nandito ako ngayon sa library at gumagawa ng assignment while listening to music through my earphones.

"You're here."

Medyo mahina naman yung volume ng music ko kaya narinig ko agad yung nagsalita. Tinanggal ko yung earphones ko at saka tumingin dun sa taong nasa harap ko ngayon.

"Tanner. Ang tagal kitang di nakita ah?"

"I'm just busy with my studies. How about you? Kamusta ka?"

"I'm ok. I'm also busy with my studies. Gumagaling tayo sa pagtatagalog ah."

"Syempre naman, I need it. You still look beautiful even if you're busy." sabi ni Tanner. Medyo kinilig ako sa sinabi niya pero hanggang kilig lang. Nothing more.

"Ewan ko sa'yo! Sorry ha, pero kailangan ko kasi matapos ito ngayon eh."

"It's ok, I'm about to leave. See you later beautiful."

"Bye."

Umalis na si Tanner kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsusulat. Isinuot ko ulit yung earphones ko para makinig ng music.

"May nagpapabigay po." may lalakeng lumapit sa akin na may dalang bouquet of roses.

"Kanino galing?"

"Ayaw po niya ipasabi eh."

"Pakisabi na lang, Thank you."

"Sige po."

Ang sweet naman ni Edward. Magbibigay na lang ng bulaklak ayaw pa niya ipagsabi. Feeling naman niya hindi ko mararamdaman. Ano bang okasyon ngayon? Wala naman.

Ibinaba ko na yung bulaklak at nagmadaling tapusin yung assignment ko. Nagtext kasi si Edward na magkita kami sa school grounds.

==========
Naglalakad na ako papuntang school grounds dala dala yung bulaklak na binigay ni Edward sa akin kanina.

Masaya ako ng makita ko ang malapad na ngiti ni Edward kaso nawala rin ito agad at parang nagsalubong yung kilay niya.

"Hi Twinnie." sabi ko sabay kiss sa pisngi.

Hindi siya nagsalita at tiningnan lang yung bulaklak na dala ko.

"Thank you pala dito sa bulaklak. I like it. Nag-abala ka pa kahit walang okasyon."

"It's not from me." nagulat ako sa sinabi ni Edward.

"Kung hindi sa'yo ito galing. Kanino?" tanong ko sa kanya.

"Its from me, Marydale." napalingon kaming dalawa ni Edward sa nagsalita. Si Zach.

Bigla na lang inagaw sa akin ni Edward yung bulaklak at ibinalik ito kay Zach.

"Pare, sana naman alam mo kung saan dapat lumugar? Girlfriend ko yang pinopormahan mo." nakita ko ang inis sa mata ni Edward.

"And she's my ex." sabi ni Zach.

Nakita kong kumuyom ang kamao ni Edward kaya hinawakan ko na yung kamay niya.

"Umalis ka na dito Zach." sabi ko pero hindi ako tumitingin sa kanya.

"Pero Marydale..." si Zach.

"Umalis ka na!" sinigawan ko na siya at bigla na lang akong naluha.

"Babalik ako para sayo." yan yung huling narinig ko sa kanya.

Bumitaw ang kamao ni Edward sa pagkakahawak ko at naramdaman ko na lang ang mga bisig niyang nakayakap sa akin. Naiiyak ako dahil naalala ko lahat. Lahat ng masasakit na alaala ko sa kanya. Mga alaalang dumurog sa akin.

Bumitaw ako sa yakap ni Edward at tumakbo palayo sa kanya.

"Maymay!"

"Huwag mo akong susundan!"

Bakit feeling ko hindi ako nagiging totoo kay Edward? Bakit feeling ko niloloko ko lang siya? Bakit feeling ko nasasaktan ko siya?

Nakarating ako sa rooftop ng school at doon nagpatuloy na umiyak. Iniyak ko lang ng iniyak lahat ng lungkot, galit, at guilt na nararamdaman ko ngayon.

Naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. Mga yakap na napakahigpit. Mga yakap na puno ng pagmamahal at pag-aalala.

"No matter what you say, I will always be here with you. Hindi kita iiwan, Twinnie." si Edward.

Humarap ako sa kaniya. Nakikita ko sa mata niyang nasasaktan siya. Nasasaktan ko ang lalakeng nagmamahal sa akin ng buo. Alam kong sa sarili ko na nalimutan ko na si Zach at alam ko rin na hindi ko na siya mahal. Pero yung mga masasakit na alaala ay nandito pa rin.

"Do I deserved your love?" tanong ko sa kanya.

"Yes. You always will."

Naiiyak ako dahil sa feeling na I'm being unfair to him. Unfair in a way na hindi ko pa nabubuo ang mga bagay na winasak ni Zach pero binigay ko na kay Edward. It's like I'm using one person to fix another person's wrong doings.

"I can feel that you're not over with him." sabi ni Edward.

Hindi ako makapagsalita. Ayokong lalo pa siyang masaktan.

"Kaya nga nandito ako. Boyfriend mo ako di ba?"

Tumango lang ako sa kanya.

"I'm here to help you fix that broken heart of yours. Para naman makulong mo na ako sa loob." patawa niyang sabi.

"Oo, nasasaktan ako pero you already to chose me. Piece by piece man yung binibigay mong pagmamahal sa akin ngayon at least ako yung bumubuo nito para sa'yo. I have infinite sacks of patience just for you."

"Sorry."

"Hindi kasalanan ang masaktan at mas lalong di kasalanan ang magmahal. Kaya you don't have to say sorry. Twinnie."

"Bakit ganyan ka?"

"Kasi mahal kita and that's the only answer I have."

TO BE CONTINUED...

A/N:

Congratulations sa atin MayWard Family!

4th Lucky Big Placer si Edward at Lucky Big Winner si Maymay.

Sana hindi dito nagtatapos ang support natin sa kanila. Wala na itong bitawan.

Sorry kung masyadong ewan yung update pero sana magustuhan niyo.

Bawat vote at comment na ibibigay niyo ay nagiging inspirasyon ko sa pagsusulat. Maraming maraming salamat po.

DMxxRV

ChancesWhere stories live. Discover now