Chapter 23 - The PMS

1.9K 101 9
                                    

MAYMAY'S POV

Dumating na yung prof. namin sa
next subject. The usual, nagdiscuss lang siya kaso wala talagang pumapasok sa utak ko. Lalo na ngayon na wala akong tulog dahil sa nangyari kahapon sa amusement park. Hinawakan ko yung mga labi ko at naalala ko nanaman yung nangyari kahapon. He accidentally kissed me on the lips. Hindi naman ako naawkward kapag kasama ko siya basta huwag lang pag-uusapan.

Waaaaaaaaaaaaah! Kinikilig ako ng walang sounds at baka mapagalitan ako ng prof. ko. Hindi ako ginugulo nila Kisses ngayon dahil alam nila ang nangyayari kapag wala akong tulog. Baka may paglagyan ng wala sa oras yung mambubwisit sa akin.

Natapos na yung class namin. Hindi ko na sila inantay at lumabas na sa room. Nakita kong may pinagkakaguluhan ang mga babae sa labas. Lumapit ako ng kaunti at nakita kong si Edward yung pinagkakaguluhan at ito namang si mokong ay ngiti kung ngiti. Nakakainis. Naglakad na ako paalis baka mabuwisit pa ako lalo.


"Twinnie!" tawag niya sa akin. Pero hindi ko siya haharapin, dun na siya sa mga babae niya. Patuloy lang ako sa paglalakad.

"Ui. Twinnie." hinawakan niya yung balikat ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Hinarap ko siya pero naiirita talaga ako.

"Dun ka na nga sa mga babae mo! Feel mo naman di ba? Dun ka na." pinagtutulakan ko siya papalayo sa akin.

"They're the ones who come near me. I'm waiting you outside so we can eat together for lunch. Sorry na." pageexplain niya sa akin. Kitang kita mo sa mukha niya na totoo yung sinabi niya sinabayan pa niya ng pag-nguso. Ang cute, sobra.

Hindi ko talaga siya matiis. Huwag lang talaga maulit yung nangyari kanina baka makalbo ng wala sa oras yung mga babaeng yun.

"Let's go na nga." hinawakan ko yung kamay niya sabay hila ko sa kanya.

"Sabi na eh. Hindi mo talaga ako matitiis. I love you, Twinnie." sabay yakap sa akin at halik sa noo ko.

"Oo na. I love you too."

==========
Andito na kami sa canteen kasama na rin namin yung mga friends namin.

"Ate May, may joke ako." sabi ni Marco at nakita kong sinenyasan siya ni Kisses na huwag niyang itutuloy. "Wala pala. Next time na lang."

"May, we'll have a game later sana makapanuod kayo." sabi ni Christian.

"Sure. Pupunta kaming lahat." sagot ni Kristine.

"Good. Una na kami. Kasi magreready na kami for the game." tumayo na sila Christian.

"Alis na ako? Sure ba na ok ka lang talaga?" tanong sa akin ni Edward.

"Yes. I'm ok. Wala lang akong tulog."

"Huwag ka na lang kaya manood. Magpahinga ka na lang." sabi ni Edward.

"Ok nga lang ako. I'll be there to support you."

"Baka mahimatay ka niyan sa sobrang antok. Hindi na lang ako maglalaro, hatid na lang kita sa inyo."

"Sinabi ko na ngang manonood ako di ba?! Bakit ba ayaw na ayaw mong manood ako ngayon?!" nasigawan ko siya.

"Ate May!" si Kristine. Napatigil ako sa pagsasalita at lumabas na lang sa canteen.

==========
EDWARD'S POV

"PMS." bulong sa akin ni Vivoree na hindi ko maintindihan.

ChancesWhere stories live. Discover now