Chapter 34 - The Critical

1.7K 101 9
                                    

Maymay's POV

Gusto kong umiyak dahil sa kung anong nakikita ko ngayon pero hindi ko magawa. I don't want to shed a tear because I want to be strong for him. I know he can do it. Yan yung bagay na pinapaulit ulit ko sa sarili ko.

"May, you can go home. Magpahinga ka muna." sabi sa akin ni Tita Cathy.

"Ok lang po ako. Ano po palang sabi ng doktor?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot at yumakap lang sa akin. Kung anong sakit yung nararamdaman ko ngayon, mas masakit yung nararamdaman nila bilang magulang.

"Kaya po yan ni Edward. Malakas kaya si Twinnie." sabi ko kay Tita Cathy habang pinipilit ngumiti at pinipigilan ang pagbagsak ng luha sa aking mga mata.

"Hindi talaga nagkamali si Edward sa'yo."

Tumingin ulit ako sa salamin kung saan makikita mo si Edward sa loob. Gumising ka na. Gumising ka na please.

==========
Naririnig kong nagkakagulo. Mga nurse at doktor na nagtatakbuhan. Nakita kong papunta sila lahat sa direksyon kung nasaan ang kuwarto ni Edward kaya nagmadali akong tumakbo papunta dun.

Nakita kong umiiyak si Tita Cathy at hawak hawak siya ni Tito Kevin. Si Ate Laura naman ay nakaupo lang sa sahig na nanginginig at umiiyak kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"May! Edward is dying! May!" yun yung sinasabi niya sa akin habang yakap yakap ko siya. Sinasabi kong gusto kong maging malakas para sa kanya pero hindi ko kaya. Bumuhos na ang luha sa aking mga mata.

"Ate May! Anong nangyayari?" dumating ang humahangos na si Marco. Hindi ako makasagot.

Tumakbo si Marco papunta dun sa kuwarto ni Edward pero pinigilan siya ng mga nurse.

"Papasukin niyo ako!" sigaw ni Marco.

"Sir. Hindi po kayo dito pwede. Magintay na lang po kayo dun." sabi nung nurse.

"No! I want to be with my bestfriend!" pagpipilit pa rin niyang pumasok pero sinara ng mga nurse yung pinto.

"Buhayin niyo siya! Buhayin niyo si Edward!" bumagsak si Marco sa harap ng pintuan habang umiiyak.

Ilang minuto din na nasa loob ang mga doktor at nurse. Nakaupo lang kami dito sa labas ng kuwarto ni Edward. Tahimik at walang nagsasalita ni isa. Biglang bumukas yung pintuan at lumabas ang mga nurse at yung doktor ni Edward ay lumapit sa amin. Si Tita Cathy at Tito Kevin yung lumapit pero naririnig namin yung pinag-uusapan nila.

"Dok? Ano pong nangyari? Ok na po ba yung anak ko?"

"His ok for now but we need to observe him for the next 24 hours. This will be the critical time for the patient. Please be ready for anything that will happen." sabi ng doktor.

Biglang tumulo nanaman yung luha ni Tita Cathy. "Dok, gawin niyo ang lahat para mabuhay ang anak ko. Please Dok, I want you to do your best."

"We will do our best to save your child but we will not promise anything." yan yung huling sinabi ng doktor.

3:21 am na. 5 hours na pala kami nandito. Alam kong kaya ni Edward lagpasan yung 24 hours. He will live for his family and for his friends.

"Tubig." abot sa akin ni Marco. Nakahiga at tulog si Ate Laura sa lap ko. Yung parents naman ni Edward ay parehas nasa loob at nakabantay sa kanya.

"Salamat." sagot ko.

"Alam mo. I consider Edward as my sibling. Siya siguro yung kapatid na hindi ako nagkaroon. We knew each other for almost 10 years. He always cover up for me kapag may nagawa akong kasalanan sa school. Ang taong laging nandyan kapag may problema ako. Its totally breaking me into pieces seeing him like this." nagsimula nanamang tumulo ang luha sa mga mata ni Marco.

ChancesWhere stories live. Discover now