Chapter 28 - The Promise

1.8K 104 12
                                    

"Pare anong nangyari kay Maymay?!" tarantang tanong ni Edward kay Aizan pagkarating niya sa ospital.


"Hindi ko alam. May tumawag na lang kay Fenech kanina at sinabing dinala dito si Ate May kaya dumiretso na kami." sagot ni Aizan sa kanya.


*Pak!*


Nagulat si Edward sa lakas ng sampal na binigay sa kanya ni Vivoree.


"Bakit ka pa nandito?! Ang galing mo rin eh no! Ang galing mo rin para magpakita pa dito!"


"I just want to talk to Maymay. I need to talk to her." makikita mong desperado na si Edward.


"Wala kang makakausap dito!"


"Viv, tama na." sabat ng kararating lang na si Kisses.


"Isa ka pa! Ang kapal din ng mukha mong magpakita dito. Talagang boyfriend pa ng bestfriend mo ang pinatos mo!"


*Pak!* sinampal ni Kisses si Vivoree.


"Wala kang alam sa mga nangyayari!" sigaw ni Kisses habang umiiyak.


*Pak!* gumanti ng sampal si Vivoree.


"Oo, wala akong alam, pero may isang bagay na alam na alam ko. Mga ahas kayong dalawa!"


Lingid sa kaalaman nila ay naririnig lahat ni Maymay ang pinaguusapan nila. Hindi siya tumitigil sa pag-iyak. Niyakap siya ni Fenech para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Hindi naman nabunggo si Maymay nagpassed out siya sa sidewalk at buti na lang ay may mga mababait na taong nakakita sa kanya at dinala agad sa ospital.


Umalis na si Kisses na iyak ng iyak sa mga nangyayari. Nagpupumilit si Edward pumasok sa kuwarto kung nasaan si Maymay pero pilit pa rin siyang pinagtatabuyan ng mga kaibigan nito.


"Pwede ba Edward umalis ka na?!" sigaw ni Viv.


"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakikita si Maymay." sabi ni Edward. Hinawakan si Edward ni Christian at Aizan.


"Ayaw ka niyang makausap." sabi ni Viv.


"Let me see her just once." si Edward.


"Edward, pwede ba? tama na?" sagot ni Viv.


*Tooot Tooot*


Kinuha agad ni Edward yung phone niya at nakita niyang nagtext sa kanya si Maymay.


"I'll let you go." sabi sa message.


ChancesWhere stories live. Discover now