Chapter 19 - The Apology

1.8K 122 7
                                    

EDWARD'S POV

"Alam mo, sa kakatawag mo sa akin, baka mabawasan ka ng pogi points diyan kay Ate Maymay." sabi ni Heaven sa akin.

"She not like you. Mas understanding yun sayo at alam nun na mahal na mahal ko siya."

"Ouch. Grabe. Pinapatamaan mo talaga ako ha."

"Bakit natamaan ka?"

"Hindi. Mas mahal ko si Paulo eh."

"Sakit."

"Alam mo, bawas bawasan mo na yung pagtawag mo sa akin, baka mamaya ano pa isipin ni Ate Maymay." narinig kong may umagaw sa phone niya.

"Oo pare. Tigil tigilan mo na pagtawag sa girlfriend ko. Para kang ewan eh. Sige na. Goodluck sa iyo at kay Maymay." si Paulo ang boyfriend ni Heaven.

"Oo na pare. Pakibigay muna kay Heaven."

Nakita kong tumingin sa akin si Maymay. The girl that I love most. Ang babaeng nagbigay sa akin ng tapang para magmahal.

Ngumiti siya kaya ngumiti din ako kaso lang naramdaman kong may nakasingit sa ngipin ko kaya hindi ako nakangiti ng maayos.

"Bakit nanaman?" tanong sa akin ni Heaven.

"Ampanget mo! Mas maganda si Maymay sa iyo. Peace. Bye!" binaba ko na agad yung phone ko.

Nakita kong naglalakad papapalapit sa akin si Laura na parang may gumugulo sa kanya.

"I think I made a mistake."

"Huh?" di ko naintindihan yung sinasabi niya.

"I thought you already said to Maymay that you and Heaven are exes."

Napabalikwas ako sa kinauupuan ko. Hindi ko pa yun nasabi kay Maymay. Pinakilala ko lang si Heaven as bestfriend kasi bestfriend ko naman na lang talaga siya ngayon.

"Where is she?"

"She went home. She will be going somewhere with her friends."

Hindi ako naniniwalang may pupuntahan sila ng mga friends niya.

"Pakisabi kila Mom and Dad that I need to go."

"Ok. Sorry Edward. Sorry."

Tumakbo na ako palabas ng bahay at hinanap si Maymay dahil baka hindi pa siya nakakalayo kaso lang wala. I tried to call her ng paulit ulit pero hindi pa rin siya sumasagot. Asan ka ba?

Nagpunta na ako sa school pero wala siya dun. Kaya naisipan kong tawagan sila Marco.

"Bakit pare?" si Marco.

"Kasama mo ba si Kisses?"

"Oo, bakit?"

"Pwede patanong naman sa kanya kung alam niya kung saan pumunta si Maymay?" narinig kong tinanong ni Marco si Kisses.

"Hello? Anong nangyari kay Ate May? Di ba kasama mo siya?" si Kisses.

"Yun nga eh. Umalis siya sa bahay. Hindi ko alam kung saan siya pumunta."

"Sige. Try kong tawagan." sabi ni Kisses.

Binaba ko na yung call. Tinext ko na lahat ng pwede kong itext at baka matulungan din nila ako. San ba siya pwedeng pumunta?

*Ring Ring*

"Aizan? Ano may balita ka?"

"Sabi nung nacontact ko, nakita daw nila si Ate May sa may restobar sa Taguig."

"Sige. Sige. Pupuntahan ko. Salamat."

Nagpara agad ako ng taxi para maabutan siya agad ngunit pagdating ko dun wala. Ang sabi lang nila ay may babaeng lasing kanina. Pero siya kaya yun? Never naman siguro siya mag-iinom ng tanghaling tapat. Tinry ko ulit kontakin yung number niya pero ganun pa rin. Hindi pa rin niya sinasagot.

*Ring Ring*

"Hello?"

"Have you seen her?" si Laura.

"Not yet."

"I'm really sorry. I didn't know."

"It's ok. I'll find her. You don't have to say sorry."

Binaba ko na yung phone ko at nagpatuloy sa paghahanap. Sobra na akong nag-aalala kaso hindi ko talaga alam kung nasaan siya. I tried to call her again as many times as I can.

The subscriber cannot be reached. Please try your call later.

It's already 7:00 pm. Wala pa rin akong contact sa kanya. Kasalanan ko ito eh. I tried to contact her again and this time she answered it.

"Hello May? Asan ka? Ok ka lang? Kumain ka na?" andami kong tanong.

"Sorry." narinig ko na lang na umiiyak siya.

"Hey. Asan ka? Bakit ka umiiyak?" nag-aalala kong sabi. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Narinig kong may kumuha ng phone niya.

"Hello Edward. This is Tanner. She's with me right now." bakit niya kasama si Tanner?

"Where are you?"

"I'll text you the address."

Nareceive ko na yung address kaya nagmadali akong pumunta dun. Medyo malapit lang siya kaya madali lang ako nakarating.

*Ding Dong*

Nagdoorbell ako sa sinabing unit ni Tanner at pinagbuksan di naman niya ako ng pinto.


"Where is she?" bungad kong tanong kay Tanner.

"Living room."

Dali dali akong pumunta sa living room at nakita ko dun si Maymay na umiiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank God you're ok."

"Sorry." sabi niya.

"Shhhhh. Bakit ka ba nagsosorry? I should be the one saying it."

Niyakap na din niya ako. Pinag-alala mo ako May. Hindi ko siguro alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa'yo. Humiwalay muna ako sa yakap at tiningnan siya sa mata.

"Sorry, dahil nagsinungaling ako na bestfriend ko lang si Heaven. May, Heaven and I been together for 5 years. We only broke months ago. Pero hindi naman ibig sabihin na kakabreak ko lang sa kanya eh ginagawa na kitang rebound. You forgot again May, I will never try to hurt you. I love you more than the years I loved her. Alam mo bang alalang alala ako kanina. Hindi ko alam kung san kita hahanapin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko if something bad happens to you. Para na kong mababaliw kakahanap sayo kanina." di ko namalayan na tumutulo na pala yung luha sa mga mata ko.

Niyakap niya ako. Yakap na sobrang higpit. Yakap na nagsasabing ok lang yan nandito ako. Mahal na mahal talaga kita Marydale Entrata.

TO BE CONTINUED...

A/N:
Thank you pa rin po sa pagsupport ng MayWard - Chances.

Sa mga consistent na nagvovote at comment diyan. Thank you very much po.

Read. Vote. Comment.

DMxxRV



ChancesWhere stories live. Discover now