Chapter 32 - The Challenge

1.5K 114 24
                                    

Zach's POV

"You can now have the girl that you want. No one will be hindering you."

"How?" tanong ko sa magaling kong ama.

"Huwag mo ng isipin kung anong ginawa ko, Zach. Ang mahalaga Marydale will be yours."

"This is nonsense. I already gave up. May mahal na siyang iba and I'm ok with that. Kaya pwede ba Dad? sabihin mo na sa akin kung anong ginawa mo para ayusin ko. I don't want to ruin anyone's relationship anymore."

"I did this for you to be happy. Ginawa ko lang kung anong makakabuti sa iyo."

"Makakabuti sa akin pero kailangang may maapektuhang ibang tao? Ganun ba ang nakakabuti?"

"Ok. Sige. I give up. Ako na ang mag-aaayos. Ano ng plano mo ngayon?"

"Thanks Dad. I'll go to US and stay there."

"When will you go?"

"Maybe next week and I will never come back until I want to."

==========
Edward's POV

The engagement is off. Kaya nagmadali akong lumabas ng bahay at dumiretso school. Three days na akong hindi pumapasok and I really missed Maymay. Sana talaga wala pa siyang naririnig o nalalaman na kahit ano tungkol sa engagement.

I saw her waiting outside the school kaya I immediately grab the opportunity to talk to her.

"Let's go." hinawakan ko yung kamay niya at hinila siya. I missed her hand.

"Edward. San tayo pupunta? Si Tanner..."

Nagpintig yung tenga ko ng narinig ko yung pangalan ni Tanner. Nawala na rin yung abot tenga kong ngiti. Tumigil ako sa paglalakad, binitawan ko ang kamay niya at humarap sa babaeng matagal kong hindi nakita.

"Tanner? Nakipagbreak na ba ako sa'yo para sumama ka sa Tanner na yan." sabi ko sa kanya.

"Bakit nasaan ka ba?! Nagtext ako. Tumawag ako. Kahit alin dun wala kang sinagot. Hindi nga tayo nagbreak pero sa ginagawa mo para mo na ring sinabi na huwag na akong makialam sa buhay mo!"

Gusto kong sabihin sa kanya yung dahilan pero hindi pa ito siguro ang tamang tiyempo kaya hinila ko na lang ulit yung kamay niya at nagsimulang maglakad. Pero nagpumiglas siya kaya nabitawan ko ulit ang kamay niya.

"Ano nanaman bang kalokohan ito Edward? Kung kailan mo trip saka mo lang ako babalikan?" sumbat niya sa akin. Kung alam mo lang talaga Marydale.

"The thing is I'm not breaking up with you and I never will. For now, sumama ka muna sa akin?" sagot ko sa kanya.

Hinawakan ko ulit yung kamay niya at hinila ito pero naramdaman kong may biglang pumigil sa pagkahawak ko.

"Tanner!" sabi niya.

"She will not go with you." sabi ni Tanner sa akin.

"Pwede ba? Bitawan mo ang girlfriend ko." sagot ko.

"You're saying that she's your girlfriend but you keep on hurting her."

Bakit ba nakikialam itong kupal na ito sa amin?

"You're not part of this relationship so back off!" sabay tulak ko sa kanya. Ayaw ko ng away pero hinahamon ata ako ng lalakeng ito.

ChancesWhere stories live. Discover now