Chapter 49 - The Forgiveness

1.8K 103 13
                                    

Maymay's POV

*Ring Ring*

"Hello Tyler, napatawag ka?" sabi ko.

"May, he's gone." narinig ko na lang ang hagulgol ni Tyler sa kabilang linya. Naibagsak ko ang phone ko at napabagsak na lang sa sahig. Nagsimulang tumulo ulit ang luha sa aking mga mata. Hindi ko matanggap na wala na siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Tumayo ako at lumabas para puntahan si Tanner wala na akong paki-alam kung anong suot ko. Gusto ko lang siyang makita. Pagbukas ko ng pintuan ay nasa harapan ko na si Edward. Hindi ko siya pinansin at naglakad agad pero nagulat ako ng hawakan niya ang aking kamay at hinila ito.

"Bitawan mo ako! Kailangan ko puntahan si Tanner."

"Pupuntahan natin siya."

Sumakay kami sa sasakyan niya at nagdrive papunta sa ospital. Pagkarating na pagkarating namin ay lumabas ako agad at tumakbo sa room niya. Ang unang sumalubong sa akin ay si Louis. Iyak siya ng iyak. Tumakbo siya sa akin ng nakita niya ako.

"T-tita M-may, g-galit si T-tito T-tanner s-sakin. A-ayaw niya p-po a-ako kausapin. T-tapos k-kinoberan p-pa n-nila ng k-kumot. T-tita kausapin m-mo si Tito T-tanner. S-si D-daddy din umiiyak d-dahil h-hindi din siya k-kinakausap n-ni tito."

Niyakap ko si Louis. Ayaw ko makita niyang umiiyak din ako. Hindi pa niya naiintindihan lahat ng nangyayari. Na wala na si Tanner. Wala na yung tito niya na mahal na mahal niya. Wala na yung Tito Tanner niya na kalaro niya palagi.

"Puntahan mo na si Tanner." kinuha na ni Tyler yung anak niya na ayaw pa rin tumigil sa pag-iyak. Pumasok ako sa kuwarto niya at nakita kong inililipat na siya ng kama. Kinoberan na rin siya ng kumot katulad nung mga namamatay sa mga palabas.

"Mam ililipat na po namin si..."

"Sandali lang." sabi ko.

Dahan dahan akong lumapit kay Tanner. Ibinaba ko yung kumot na nakatakip sa kanyang mukha. Walang tigil ang pag-agos ng luha sa aking mga mata habang tinatanaw ang kanyang mukha. Niyakap ko siya kahit sa huling pagkakataon man lang.

"H-huwag m-mong iisipin na k-kahit kailan h-hindi kita m-minahal. Mahal kita. I-ikaw yung t-taong hindi a-ako iniwan. I-ikaw yung taong h-hindi nagsawang umintindi sa a-akin." nagagaralgal ang boses ko habang nagsasalita dahil na rin sa pag-iyak.

"I forgive you and I hope you forgive yourself too. I'm sorry for not understanding you as much as you understand me." and I kissed his lips and his temple for the last time.

Kinuha na siya nung mga nurse. Napabagsak na lang ako sa sahig at nag-iiyak.

"Maymay." lumapit si Edward at niyakap ako.

"Bitawan mo ako! Leave me alone! Bitawan mo ako." nagpupumiglas ako sa yakap niya pero niyakap niya ako ng mahigpit hanggang sa mawalan na ako ng lakas para magpumiglas.

"S-si Tanner. W-wala na si Tanner. W-wala na siya." walang tigil pa rin ang aking pag-iyak habang yakap yakap ako ni Edward.

==========
Edward's POV

Naglalakad ako papunta sa garden ng ospital dala ang tubig na binili ko. Dito ko muna dinala si Maymay para mahimasmasan siya. Nakita ko siyang nakaupo at nakatingin sa malayo. Namumugto ang mga mata. I don't want to see her like this.

"Tubig." inabot ko sa kanya at umupo sa kanyang tabi. "Ayaw niyang nakikitang malungkot ka. Hindi bagay sa'yo." sabi ko.

Tumingin siya sa akin kaso kahit isang reaksyon sa mukha niya wala akong napala. I want to lighten the mood pero wala pa din.

I never thought that Tanner will have a great impact to Maymay. Akala ko Tanner is just a rebound pero nagkamali ako. Tanner was able to replaced me in Maymay's heart. Siguro mahirap na rin talagang bawiin si Maymay dahil I need to replaced a great man who love her as much as I do.

Hindi kabilang sa pagiging great man niya ang pagtangkang pagpatay sa akin. Sa totoo lang, duwag siya. Hindi ko din akalain na aabot sa ganung punto ang magagawa niya para sa pagmamahal.

"Iwan na muna kita. Pupunta lang ako kay Tyler, may itatanong lang. Text mo lang ako kung uuwi na tayo." sabi ko.

Tumayo na ako nagsimulang maglakad pero hinawakan niya yung wrist ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin na parang sinasabing huwag akong umalis kaya napaupo na lang ako ulit sa tabi niya.

"Wala ka pa rin bang sasabihin? Aalis na ako." aakma na sana akong tatayo pero bigla siyang nagsalita.

"Did you forgive him already?" sabi niya.

"I can forgive him but not now. Siguro in God's perfect time mapapatawad ko din siya. It's hard to forgive and forget someone who tried to kill you."

"Naiintindihan ko naman at siguradong naiintindihan din yun ni Tanner. Mahirap din naman magpatawad." nagsasalita siya habang nakatingin sa malayo.

"Mahal mo talaga si Tanner, nu?"

"Oo. Sobra. Para akong prinsesa. Mali. Para akong reyna. He always treat me as the very important person in his life." napangiti siya siguro dahil naaalala niya si Tanner kapag kasama niya ito. "But nobody will treat me like that again." nagsimula nanamang tumulo yung luha mula sa kanyang mga mata. I can't help myself hugging her when she cries. My body automatically do it.

Inuwi ko muna si Maymay sa condo unit niya para makapagpahinga. I didn't leave her side hanggang sa makatulog siya. Tinawagan ko na rin si Kristine at Vivoree para matulog na lang sa condo ni Maymay para mabantayan siya. Bumalik ako sa condo nung dumating na sila. I immediately jump on my bed because I'm tired of everything that happened today.

"How will I replace Tanner in your heart?"

TO BE CONTINUED...

A/N:

Sorry readers kung medyo late na yung update. Balik trabaho na si author eh but I'm doing my best para makapagupdate everyday.

Sana po magustuhan niyo at patuloy pa rin po kayo sa pagsuporta sa MayWard - Chances.

Read. Vote. Comment.

DMxxRV

ChancesWhere stories live. Discover now