Chapter 2 - The Accident

3.3K 107 6
                                    

"Our lesson for today is blah blah blah."


Second period na pero wala pa rin talaga ako sa mood. Hindi pa rin mawala sa isip ko na hindi ko napanuod si Enrique kanina. I can't move on. Nasasaktan ako.


"MS. ENTRATA!" sigaw nung prof. ko.


"ENRIQUE GIL!" sagot ko with matching tayo. Narinig ko lang na nagtatawanan na ang lahat except sa prof ko.


Paktay na! Bakit ko ba nasabi yun? Mga lamang lupa kunin niyo na ako. Nakakahiya,


"Sorry po." sabay peace sign.


"If you will not listen to my class Ms. Entrata and will just daydream about Enrique Gil the whole period, the two doors are open for you to go."


"Sorry po talaga. It will never happen again,"


"SIT DOWN!"


Naunahan ko pa ata si The Flash sa sobrang bilis kong umupo at para akong timang buong period na nakatitig lang sa prof ko. Sana talaga matunaw siya sa kakatingin ko sa kanya. *sigh*


*bell rings*


"Ok, class dismissed."


"Sa wakas tapos na rin siyang magsalita."


"Yan Ate May puro kasi Enrique Gil. Pahiya ka tuloy nu?" pang-aasar ni Kristine sa akin.


"NAPAKASUPPORTIVE NIYO TALAGA! Pero nakakahiya talaga kanina! Waaaah! Lamunin na ako ng lupa!"


"Mamaya pa naman yung next class natin. San tayo ngayon?" pagyaya ni Fenech.


"Grabe, nageemote ako dito tapos nag-iiba ng topic."


"Sa BASKETBALL COURT! Sino gusto?!" sigaw ni Vivoree sabay taas ng kamay.


"Ok, back to you Maymay! Talk to yourself Maymay." kakausapin ko na talaga sarili ko dito.


"Ay! Nagsasalita ka pala Ate May? Ano sama ka basketball court?" si Kristine. Wala talaga silang paki-alam sa pag-eemote ko kanina pa.


"Sige na! Sasama ako!" wala akong choice.


Naglalakad na nga kami papunta sa basketball court pero itong mga kasama ko dumadami na ata ang mga dala. Christmas ba ngayon? May charity event ba? Valentines ba? Bakit andami nilang regalo?! Bakit ako wala?! Napahiya na ako kanina pati ba naman dami ng fan boys napagkaitan din ako. Panget ba ako? Waaaaaaaaaah.


"Meron ba ako diyan? Baka naibigay lang sa inyo?" pagbibiro ko sa kanila. Nakakainggit kasi eh. Andami na nilang dala tapos ako bag at libro pa rin ang dala.


"Ate May naman. Lahat ito ay para sa atin." ang sweet talaga ni baby gurl Kisses.


"Tama Ate May, pinapadali lang nila ang buhay nating lima dahil puno ng pagkain ang ref natin sa bahay." Si Vivoree


"SOBRANG TIPID PA!" sabi ni Fenech.


"TAMA!" sabay sabay kaming apat.


"Alam mo naman Ate May, pamilya na tayong lima. Pamilya ng magaganda at talented." si Kristine.


"Ano ito? Pampalubag loob?" sagot ko kay Kristine.


"Maganda ka Ate May, hindi mo nga kailangan ng magmake-up eh. Kaso uso lang talaga gumamit ng suklay." si Fenech.


Sa kakadaldal namin, nakarating na pala kami sa court. Ang masakit pa wala talaga akong natanggap kahit isang piraso man lang.


"Andami namang tao, san tayo uupo?" si Vivoree. Punong puno yung court ng mga girls at pagirls dahil may tune-up game ang basketball team ngayon.


Si Kristine na ang naghanap ng upuan. Ang nakakaloko nga lang sa lahat, dun pa talaga sa harap na harap ng court, yung tipong pwede kang tamaan ng lahat ng bolang tatalsik.


Nood dito. Nood diyan. Ang galing pala ng basketball team pero wala talaga akong interest sa kanila kaya ito ako bored na bored.


"GO AIZAN!" sigaw ni Fenech.


"Harot si commander?"


"Girl pa rin ako Ate May! GO AIZAN! HOOOOOOOOOOOOOOO!"


"GO CHRISTIAN!" si Vivoree


"GO YONG!" si Kristine.


"Kaya pala gusto sa court tumambay para umawra lang." ingay kasi ng mga kasama ko eh.


"Ate May, can't you see puro girls at pagirl ang karamihan ng nakikita mo dito. Ibig sabihin, lahat yan umawra ang first motive." pageexplain sa akin ni Viv.


"Eh bakit itong si Kisses? Tahimik?"


"Ewan ko dyan? Baka nahihiyang magsisigaw at magtitili."


"Tigilan niyo nga si bebe gurl. Wala kaming ichecheer dyan."


Maya maya feeling ko naiihi ako kaya nagpaalam na muna ako sa kanila para magCR since court side kami dadaan ka talaga sa tabi ng court para lang makapunta sa CR.


"Excuse me. Excuse me po. Makikiraan po." litanya ko sa mga taong madadaanan ko para lang hindi pumasok yung paa ko sa court.


Yes! SUCCESS! Nakalabas na ako sa audience seats. Makakalakad na ako ng maluwag.


"ATEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!" si Kisses yung sumisigaw kaya lumingon ako agad.


*BOOOOOOOOOGSH* umiikot yung paningin ko. Lumilindol ba?


"Hey! Hey!" may boses ng lalake.


TO BE CONTINUED...

ChancesWhere stories live. Discover now