Chapter 6 - The PDA Case

2.3K 113 15
                                    

*Tooot Tooot*


Grabe bai. Ngayon pa ako nawalan ng load. Hindi ko pa alam kung nasaan si Kisses. Malalagot ako sa parents niya eh.


"Ate May, safe naman siguro siya kay Marco?" si Fenech.


"Ano ka ba? Kakakilala lang natin dun sa tao. Nagtitiwala ka kaagad." sagot ni Viv.


"Ang witty mo dun!" sabay apir ko kay Viv.


Naglalakad kami dito sa quadrangle ng school dahil tapos na yung klase at wala pa kaming balak umuwi dahil wala si Kristine at Kisses.


"Pero pwera biro Ate May, si Marco na lang kaya tawagan mo para mas sure at hindi na tayo mag - isip ng kung ano ano pa." si Fenech.


"Sinong may load sa inyo? Peram muna?"


"Wala ako eh." si Viv.


"Empty bat ako." si Fenech.


"Makapagsuggest kayo tapos wala naman pala kayong mga load."


"Correction Ate May, empty bat ako." si Fenech.


"Ganun pa rin yun! Wala pa ring mga silbi yung mga phones niyo!"


"WOW! Nagsalita ang may load." si Viv.


"Ate May! Ate May! Ayun si Edward oh. Tanungin mo kung alam niya kung nasaan sila Marco at Kisses." si Fenech na parang ewan na natataranta.


"Edward? Sinong Edward? At paano niyo naman nalaman na alam ng lalakeng yan kung nasaan sila Kisses?"


"Kasama kaya siya sa basketball team. Lumapit ka na nga dun." sabay tulak ni Viv sa akin.


"Ako talaga?"


"Ikaw naghahanap di ba?" tinulak din ako ni Fenech. Grabe itong dalawang ito makatulak para akong matutumba.


No choice. Naglalakad na ako papalapit dun sa lalakeng nagbabasa na tinuturo nila na Edward daw ang pangalan.


Paano ko iaapproach itong lalakeng ito?


Anong sasabihin ko?


Hindi ko nga ito kilala tapos kakausapin ko?


Tapos, mukha pa akong tanga dito na naglalakad na kausap ang sarili ko.


"Hey Ms.?" may nagwawave sa mukha ko kaya nagising ako sa kabaliwan ko.


"Ay, ano po?" hindi ko namalayan kaharap ko na pala si Edward daw.

ChancesWhere stories live. Discover now