Chapter 51 - The Blind Date

2K 104 13
                                    

Maymay's POV


Nagtext si Kisses na magkita daw kami ngayon kaya pumipili ako ng dadamitin sa closet ko. Magred daw ako para parehas kami ng suot. Mga 30 minutes na ako dito pero wala pa rin akong mapili. Kahit ano na lang basta red. Inayos ko na yung sarili ako at umalis agad.


Sumakay na ako sa elevator. Magsasara na yung pinto ng elevator pero may humarang bigla ng kamay kaya bumukas ulit ito.


"Sorry. Nagmamadali lang." sabi niya.


Si Edward at nakapula din siya. Coincidence o  coaccident? Ano ba yan?


"Mayroon ka atang pupuntahan?" tanong ko sa kanya.


"Selos ka?"


"Ang kapal ng mukha mo."


"Joke lang. Mainit agad ang ulo? Nagtext si Marco may pupuntahan daw kami. Ikaw?"


"May pupuntahan din."


"Gusto mo hatid na kita."


"Hindi na. Magcocommute na lang ako baka out of way ka pa."


Nauna akong lumabas sa kanya sa elevator dahil sa parking lot pa siya baba. Sumakay na ako ng taxi papunta dun sa mall kung saan kami magkikita.


Pagkarating ko ay dumiretso na ako dun sa coffee shop. Akala ko nandito na siya, mas nauna pala ako. Umorder muna ako ng maiinom at nagcheck ng mga social media accounts ko.


"You're here."


Si Edward nanaman. Dito rin sila magkikita ni Marco. Ay oo nga pala, mag-asawa yung imeet namin. Bakit hindi ko yun naisip kanina?


"Can I seat here?" tanong niya.


"Sure. Yung mag-asawa naman yung iintayin natin eh."


Umupo na siya sa harap ko. Umorder din siya ng maiinom pero hindi ko na siya pinansin dahil busy akong magcheck ng social media ko.


"I will now really believe that we're meant to be." sabi niya kaya bigla akong napatingin sa kanya.


"Bakit?"


"We're wearing same color of clothes."


"Yun lang? Nagkataon lang ito."


"We're on the same place right now."


"Alam mo manahimik na lang tayo at intayin yung dalawa. Medyo matagal na sila."

ChancesWhere stories live. Discover now