Chapter 53 - The Question

2.2K 106 11
                                    

Maymay's POV


*Ring Ring*


Anong oras pa lang? Ang aga naman ng tumatawag na ito. Inabot ko yung cellphone ko at sinagot kung sino man yung tumatawag. Hindi ko na tiningnan dahil tinatamad akong imulat yung mata ko.


"Hello." ung boses ko na tamad na tamad.


"You sounds like sadako. Good Morning!"


Napabalikwas ako ng upo ng marinig ko yung boses ni Edward sa kabilang linya. Para akong timang dahil binuksan ko kaagad yung camera ng phone ko at tiningnan yung sarili ko kung may muta ba ako o bakas ng laway na natuyo.


"You don't need to check your face. I'm not yet there. I'll knock on your door after 1 hour." pagkasabi niya nun saka ko lang naalala na nangako pala ako sa kanya na may date kami ngayon.


"1 hour? Hindi pa ako tapos nun. Babae ako?"


"1 hour is 1 hour. Finish or not I'll be there." sabi niya.


"Bahala ka diyan."


"You're beautiful. Hindi mo na kailangan pang magpaganda. Kahit ano pang itsura mo, maganda na iyon para sa akin. Baka magkaroon pa ako ulit ng kaagaw. Bye!" sabay end of call niya. Isang oras talaga? Kulang pa sa akin ang isang oras.


No choice. Dali dali akong tumayo at dumiretso sa banyo para maligo. Madali kung madali ang peg ko ngayon. Yung pag stay ko sa banyo ng 45 minutes naging 15 minutes dahil sa lalakeng yan. Waaaaaaah!


Hindi pa ako makapili ng dadamitin ko. Sabi naman niya kahit ano kaya nagjeans na lang ako at nagtshirt dahil nagmamadali din ako. Nagpabango na rin ako kahit wala ng make up mabango naman. Medyo napabilis ata ako ng pag-aayos dahil hindi pa dumarating si Edward. 1 hour na di ba? Nagmadali madali ako tapos siya naman pala yung malalate.


*Ding Dong*


Binuksan ko yung pinto ng nakasimangot dahil nababanas ako. Nagmadali madali ako tapos hindi naman niya tutuparin yung 1 hour at itong lalakeng ito nakangiti lang sa akin. Parehas nanaman kami ng kulay ng damit.


"As expected, even if I give you a 15 minute allowance, you still forgot to comb your hair."


Sa kahihiyan, isasara ko sana ulit yung pinto para ayusin yung buhok ko kaso napigilan niya yung pagsara ko. Nakakahiya kaya. Sobra.


"Aayusin ko lang yung buhok ko. Just wait here." sabi ko.


"Just let me in."


"Sige na." imbes na makipagbangayan pa ako sa kanya at alam ko namang kahit anong pilit ko siya pa rin yung mananalo. Umupo lang siya dun sa sofa. Pumunta ako sa room ko at kumuha ng suklay at panali sa kuwarto. Pagkabalik ko sa sala ay umupo ako sa tabi niya dahil yun yung pwesto na nakaharap sa salamin pero inagaw niya yung hawa kong suklay at panali.

ChancesWhere stories live. Discover now