Chapter 1

1.3K 14 0
                                    

"Shiene." tawag sa akin. Nakaupo ako kaya nag angat ako ng tingin at papalapit si Mattie sa gawi ko. Hinarap ko ulit yung computer ko.

Hinihintay ko kasing mag off. Kanina ko pa kasi to ni-log out pero ayaw namang mapatay. Ngayong nag rurush akong umuwi, ang bagal namang mag off nitong computer ko. Alas otso na kasi ng gabi, maglalakad pa ako. Tapos maaga pa pasok ko bukas kasi tatapusin ko pa yung mga reports na ipapasa ko sa head namin. Kailangan kong mameet yung deadline.

Nakakatakot kaya yung head namin pag hindi namin ginawa yung gusto niya. Ipapahiya niya kami sa harap ng maraming tao.

"Bakit?" tanong ko sa kanya pero nakatingin pa rin ako sa computer. Hindi ko siya liningon. Pero umupo ito sa desk ko sabay patong ng kamay nito sa wall ko.

"Bili muna tayo ng coffee. Stress ako sa mga pinag-uutos sakin ni madam. Akalain mo ha, imbes na dalawang tao yung gagawa, sa akin lahat ibinigay. Kaimbyerna. Ang sarap lang... urgh kumain." reklamo ni Mattie sakin. Ngumiti ako.

Sanay na ako sa mga style na ganyan ng friend ko. Akala mo pagsasalitaan niya ng masama yung tao pero dahil sa matindi niyang inis, ibinubuntun sa anong bagay ang galit. Parang ngayon, gets mo na yung una niyang sinabi na badtrip siya sa head namin pero sa huli, napunta sa pagkain.

Simula noong pumasok ako dito sa company, si Mattie yung unang nag approached sakin. Syempre nahihiya pa ako noon. I'm new to the company and to them also. Hindi pa ako masyadong nagsasalita. Kumbaga, hindi ako yung babaeng talkative. Hindi palasalita. Saka lang ako nagsasalita pag may tinatanong sila sa akin. Ayaw kong pumapel sa mga head namin, sa mga kasama ko. Ayaw ko ng may kaaway. Basta para sakin, magawa ko ng maayos ang trabaho ko. Hindi importante sakin yung bigyan ko sila ng glimpse ng lahat ng about sakin para lang maalala ako na once ay naging officemates nila ako. Mas gusto ko pang dinggin yung kwento ng iba kaysa ako yung nagkukwento.

After a few days, si Mattie yung unang lumapit sakin. Nagkakilala kami, nagkwentuhan hanggang sa biglang nagclick yung friendship namin. Pareho kami ng hilig, ng gustong gawin sa buhay. Magtravel sa buong mundo pero siyempre hindi pa kaya ng budget kaya sa Pilipinas na lang muna. Magdiscover ng mga places na hindi masyadong napupuntahan ng mga tao. Magfoodtrip pa lalo na yung mga pagkain ng ibang kultura, at saka makatulong sa iba lalo na sa mga batang lansangan.

Gusto ko ngang sumama sa mga charity events kaya lang wala pa akong time sa ngayon para sumama at magapply.

Hindi ako nabiyayaan ng maraming luho, ng yaman para mabili ko lahat ng gusto ko kaya alam ko yung feeling ng walang gadgets, walang masarap na makain at lalong walang pera. Yung parents ko, magsasaka sa probinsiya. Hindi ko kinakahiya yung buhay namin doon kasi nakakaraos kami araw araw. Pero hindi pa rin yun sapat para sa amin kasi apat kaming magkakapatid.

College na ako nun ng maisipan kong maghanap ng part time job. Sa awa ng Diyos,hindi ako nakuha. Kapag talaga student ka pa lang, andun yung urge mo na makahanap ng work para lang may extra pera ka. Andyan yung katuwaan kayong magbabarkada at naisipang lumabas, sasama ka ba ng walang pera? Hindi naman pwede yun. Pabigat ka pa. Tatawagin ka pang KJ. Ang maganda rin sa part time job, makakakuha ka ng experience. Alam natin e, isa pa yun sa mga basehan para lang tanggapin tayo sa trabaho pagkagraduate natin.

Nagulantang ang sistema ko ng magsalita ulit si Mattie sa tabi ko.

"Sige. Libre mo ako this time. Kailangan ko rin ng tea." Ayaw ko ng coffee, sa totoo lang. Bumabaliktad yung sikmura ko pag nakakaamoy ako. Mas prefer ko ang tsaa.

"Ang sungit ni Maam Lia buong araw no? Napansin mo?" tanong ko sa kanya. Supervisor namin yun.

"Oo, pansin ko." hinarap niya ako. "As in kulang na lang,umusok yung dalawang tenga niya at ilong. May dalaw siguro ngayon kaya nagkakasalubong ang kilay." pang aalaska pa ni Mattie sa aming supervisor.

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon