Chapter 46 - Jealousy strikes...

125 2 0
                                    

Five months. Two days.

Matagal na rin pala kaming mag-on.

When we first saw each other. When we saw each other again for the second time around. When I get to know him more. When he said that he gonna pursue me. Until I answer him with those magic words. Magical.

Sana madagdagan pa namin. Ayaw ko pang mawala ang sayang ito. Masaya akong kapiling siya. May mga rough times namang nangyari sa loob ng limang buwan na yun, pero na-overcome namin ang lahat. Napatunayan ko, na hindi ko siya kayang pagdamutan, pagtiisan, hindi magustuhan dahil hawak niya ang puso kong bumubuhay sa akin.

Hindi ko makakalimutan yung araw na umiral ang pagkaselosa ko. Hindi paglalambingan ang nakita ko kundi paglalandian. Ganun naman ang iisipan ng lahat ng babae sa kanilang nobyo. Kahit na walang malisya yung ginagawa ng isa, bibigyan pa rin natin ng kahulugan kahit sa pinakamaliit na bagay. Hindi ko alam na kaya ko pa lang ilabas ang ugali kong yun. Dati, pigil na pigil kong ilabas to the point na mag-e-explode sa puso ko. Until maiiyak na lang ako. Tapos sasabihin ko sa sarili ko 'Ganun lang' pag naiyak ko na lahat ng hinanakit ko.

Kung sa isang drama may tinatawag na climax, ganun na ganun yung nangyari sa amin noon. Tawang-tawa nga sa akin si Mattie ng makita niya ang hitsura ko, hindi daw bagay sa akin ang magselos. Dahil dun hindi ko siya kinausap ng tatlong araw. Kahit na nasa office kami, para lang siyang hangin sa paningin ko.

It was April fools day, but not exactly that day that we went out. Niyaya ko sila papuntang siyudad. Hapon na nung umalis kami at papadilim na ng makarating kami. That time niyaya ko na silang magfood trip tulad ng ginawa namin nina Wyna last year.

Pagkatapos namin sa food park, naisip namin na mag-bar hopping muna sa Manila. Ano kaya ang feeling? Gusto naming makita at maranasan. Wala na kaming pakialam kung gabihin na kami umuwi, gabi naman na talaga. Sabi nga namin, anong silbi ng mga hotel di ba?

Maraming hotel ang naghihintay sa amin.

After naming mag food trip, ayun, napagkasunduan na namin na pumunta na. Sumakay na kami ng taxi. Kinakausap muna naming tatlo ang driver kung may alam siyang magandang bar na pwede naming puntahan habang abala si Mattie sa pagse-search.

"Heto na. Malapit lang dito. Manong dito sa lugar na ito mo na lang kami dalhin. Maganda kasi yung labas." Sinabi ni Matt ang address sa driver. Na sinagot naman niyang nadaanan na namin yun kanina.

"Salamat kuya."

"Walang anuman." Umalis na yung taxi.

Humarap kami sa harapan ng bar. "Captures?" Basa ni Valeen sa signage na nasa itaas ng establishment. "Sino naman kaya ang nakaisip ng ganyang pangalan. Ibang klase."

"Napakasimple pero agaw pansin di ba?" Ani Karla. "Anong oras na ba? Eight pm pa lang pero mukhang dagsa na ang mga tao dito."

"Pumasok na tayo." Aya ni Mattie.

Pagbungad pa lang namin sa pinto, bumalandra na sa amin ang isang post-it wall. Sa dami ng nakadikit, yung iba nahulog na sa baba. Pero yung mga nahulog, hindi naaapakan kundi may box na salamin na pahaba ang hitsura. Sa box, naka-allign ang iba't ibang kulay ng mga post it note.

"Siguro may nag-aayos rin nito no?" Ani Karla sa amin habang binabasa ang ilan sa mga nakasulat. "Tignan niyo o, ang dami. The owner really treasures a lot to what these people's hopin'.

"Truths. Kailan niya kaya to sinimulan?" Valeen.

All about life ang ilan sa mga nabasa ko. And there is one note that I found interesting.

Without YouOnde histórias criam vida. Descubra agora