Chapter 69 - A BeAutiFul pAin

102 1 1
                                    

Wala na akong ibang inisip kundi ano ang susunod na hakbang ni Seb. Natutuliro ako, pag umaalis ako at umuuwi ako sa apartment, baka makikita ko na lang na nasa harapan na siya ng pinto dito sa apartment ko. Yun ang iniiwasan ko. Yun ang ikinakatakot ko. Iniisip ko pa lang kung anong pwedeng mangyari, nanginginig na ang buong katawan ko.

I did not expect na sa ganung pagkakataon kami magkikita ni Dilyon. Paliit ng paliit ang lupang inaapakan naming lahat. Alam ko naman na hindi niya mapipigilang magkwento sa kaibigan niya. Ano na lang kaya ang iniisip ni Seb ngayon?

Ikakaila niya sa sarili niya na wala siyang pananagutan sa akin. Baka nga masaya pa yun, dahil kung hindi pa siya nag-initiate na iwan ako, ipapalaglag niya ang bata. Dahil nga sa one sided love lang ang amin. Awa lang ang naramdaman niya sa akin.

Tatanungin ko si Jastine kung nagtatanong ba si Dilyon sa kanya tungkol sa akin. Tama naman yung mga sagot ko kay Dilyon di ba? Wala namang kahina-hinala dun na kay Seb ang bata? Matagal naman na kaming hiwalay ni Seb, kaya malabong masabi ni Dilyon na anak ng kaibigan niya ang bata.

"Hello Jastine?"

'Hi dear. May problema ba?'

"Wala naman. Gusto ko lang itanong kung ano ng balita kay Dilyon? Wala pa naman siyang ibang kinikilos di ba?"

'As far as I know, wala pa naman. Shienne, don't worry. Hindi siya yung taong makikialam sa problema ng ibang tao. Pero hindi ko maiwasang mag-isip, sila ang madalas na magkasama ngayon ni Caleb, alam kong hindi niya mapipigilan ang sarili niya na magkwento sa nakita niya.'

"Ganun nga din ang bumabagabag sa akin. Sa tingin mo, anong iisipin ni Seb sa mga naging pag-uusap natin?"

'Hindi ko sure kasi iba din ang takbo ng utak ng dalawang yun. Sinagot mo naman ng maayos ang mga tanong niya. Hindi yun magdududa sa sikreto mo. Iisipin ni Caleb na may pumalit na sa kanya sa buhay mo. Hindi mo naman siya binigyan ng hint na sa kanya si Cato. Huwag kang mag-alala. Babalitaan kita kapag may sinabi sa akin si Dilyon.'

"Thank you Jastine. Sige na. Baka naiistorbo na kita."

'It's okay. Feel kita. Bye.'

"Bye."

--

Katatapos lang namin na magpalamig sa loob ng Starbucks. After kong makapanganak, ngayon lang kami nagsama-samang apat. Nawalan na ako ng oras sa kanila at ganun naman din sila sa akin. Dahil mas gusto na nilang kasama ang anak ko.

Malakas ang ulan sa labas. Kahit gustuhin na naming lumabas, hindi pa rin pwede. Sa tingin ko, babagyo na kasi may kasamang hangin. Sa mga ganitong oras ako nakakapagmuni-muni.

Hindi ko pa rin magawang maging masaya. There still a hole inside my heart. I'm not whole yet. There's still a space for him. Kailan ulit kaya masusubukan ang tapang ng puso ko? Kailan kaya ulit? Gusto kong sumubok magmahal ulit pero hindi pa sa ngayon. Gusto ko siya pa rin. Hindi ba tama ang maghintay sa kanya?

Makakangiti naman siguro ako pag may nagpakita sa akin ng interes. Pero mahahati ang atensyon ko, may pagsisisi akong mararamdaman. Like myself always remind me that he's the only one who can fulfill me and no one else's can.

Andito na naman sa puso ko ang inggit sa mga kasama ko, ako na yung ang pinakamasaya noon eh, pero umatras pa. Binawi pa sa akin. Pinakawalan ko naman. Kung hindi ko siya pinakawalan, dalawa naman kaming hindi masaya.

Hindi niya makasama si Asthrid, habang ako, kasama ko siya pero wala sa akin ang puso niya.

Pinukaw ni Valeen ang katahimikan ko. "Kasama ko naman kayo ngayon at kompleto tayo. Ibibigay ko na sa inyo ito." May kinuha siya sa loob ng bag niya.

Without YouWhere stories live. Discover now