Chapter 72 - eNdLeSs tEaRs (part 2)

95 2 1
                                    

Shienne's POV

Wala akong mahahawakan, pagkukuhanan ko ng lakas na kaya ko pa rin siyang harapin sa ganito naming sitwasyon. His eyes intently holding me in my place. Nasa akin ang mga mata niya ng tinawag niya si Wyna. Yung nagsisilbing harang ko sa kanya, pinababa niya. Nakahalata ba siya na hindi ko siya matignan ng diretso sa mata? Nararamdaman niya na ba ang takot ko? Na nanghihina ang mga tuhod ko at anytime pwede ng bumigay?

His maddening and infuriating voice scares the hell out of me. Chills run down from my head to my toes. Nagawa niyang sumbatan at sigawan ang pamilya niya, ako pa kaya na outsider at malaki ang kasalanan sa kanya.

But why is it so big deal to him that we kept it a secret?

Halong takot at kaba at pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon. Lalo na ng masaksihan ko ang ginawa niya sa kaibigan niya. Kay Nico. Malapit sila sa isa't isa pero nagawa niya itong husgahan at saktan. He just punched him in the face that made us so jumpy.

Pero hindi naman talaga siya dapat magalit sa akin di ba? To all of us. Bakit galit na galit siya sa nalaman niya? May pakialam ba siya sa anak niya? Wala naman di ba? One sided love nga lang ang nangyari sa amin. Ginamit niya lang ako na wala talagang pwedeng mabuo. Frustrated lang siya dahil nagawa namin yun.

Ako lang ang dapat niyang sisihin dito. Sa akin lang dapat siya magalit. Dahil hinayaan kong may mabuo. Ako ang may pakana ng lahat.

So.. kaya siya ganito dahil mapapahiya siya kay Asthrid? Iiwan siya ulit ni Asthrid because he now have an extra baggage?

"Caleb--" anang Mama niya sa kanya sabay tingin sa akin. Nag-aalala sa akin si Tita Joe. Inaasahan na ba niya na ganito ang magiging outcome ng ginawa ko?

Ito ba ang kinakatakutan nina Wyna noon na sinasabi nila sa akin? Na dapat kong sabihin kay Seb ang tungkol kay Cato? Buo na ang loob ko noon na kaya ko na siyang harapin. Pero bakit binabagsakan ako ng mga takot at problema ko ngayon. Bakit parang mas lumala ang sitwasyon naming lahat?

Sabi na eh, mali talaga na malapit kami sa pamilya niya. Sana hindi ko na lang siya kinompronta noon. Sana hindi na lang kami tumuloy sa araw na nagkita kami ni Tita Joe sa hospital. Sana naiwasan ko ang lahat ng ito ngayon.

Some things and any one can play games with you too.

"Mag-uusap lang kami. Lumabas na kayong lahat." Matigas na sagot ni Seb sa Mama niya, sa kanila. Parang vibration sa buong katawan ko ang timbre ng lakas at diin sa boses niya.

"Let's go Tita. We have to give them privacy. Caleb needs it." Inalalayan na ni Valerie si Tita Joe. Dumiretso sila sa back patio. Iniwan talaga kami?

Mabilis silang lumabas lahat na parang mga langgam na nag-uunahang makakuha ng pagkain. Sa may bukana ng kitchen, nakatayo pa rin ang mga kaibigan ko. Alam kong palalabasin niya din sila at ako na lang talaga ang maiiwan dito. Kaming dalawa. Wala akong kasama para tanggapin ang galit niya, ang mga sigaw niya.

Umakyat na ako at nakita ko sa gilid ng mata ko na sinundan niya ako. Oh my God! I'm not ready for him. I can't face him yet. My pulse quickened and accelerates fast enough for my liking. Nasa hallway na ako at paglingon ko sa likod ko wala pa siya. Kailangan kong hanapin si Cato. Saan ba dinala ni Nay Martha kung wala siya sa tinutuluyan naming kwarto? Kung kailan nanginginig na ako sa takot saka pa sila nawawala. Kailangan ko pa silang hanapin. Ngayong kailangan ko ng mapagtataguan na kasama si Cato, siya naman ang hindi ko mahanap.

Ang ikinakatakot ko, baka pag una niyang nakita si Cato, baka kunin niya ito sa akin. Ayaw kong mapalayo sa anak ko. Hindi ko kayang hindi ko siya makita.

Binuksan ko ang kwarto ni Seb at isinara ulit ito, wala nga sila dito. What room? Bakit ginawa ito ni Mattie? Bakit kailangan niyang palipatin sila sa ibang kwarto? Lumabas na ba sila? Nasa baba na ba si Nay Martha? Hindi ko lang ba sila napansin? Pilit kong inalala ang mga nakita ko kanina.

Without YouWhere stories live. Discover now