Chapter 24

115 0 0
                                    

Nataranta ako ng makita kong ang dami na niyang missed calls sa phone ko. Mga tawag pa niya siguro ang nagpagising sa akin. Pero unang bumungad sa akin ang oras ng makita ko ang phone ko.

OMG! Five thirty na. Shit! Wala pa pala akong desisyon. Ano kaya?

Nagtatalo na ang isip ko. Parang may giyera na. Bumaba na ako ng kama and dialled his number and it ring. I put it in a loudspeaker so I can ponytailed my hair. He accept my call after the second ring.

"Hello! Kagigising ko lang. Babalik ka na ba dito?" lumabas ako ng kwarto niya na nakaattached sa tenga ko ang phone. Ang tahimik naman dito.

"May ginagawa pa ako. Mamaya pa ako makakabalik. Pupunta ka ba ng salon or not?"

"Ewan." I calculated the time in my mind. "Anong oras pa lang naman." hindi naman siguro aabutin ng isang oras ang pag-aayos nila sa akin di ba? "Baka pag pumunta ako ngayon, masira lang yung ayos ko. Pupunta ako, pero pwede bang mamaya na lang? May ilang oras pa naman."

"Okay. Sasamahan na lang kita. Pipilitin kong mabilis na matapos ang trabaho ko dito para makauwi na ako."

"Okay. Ingat ka."

"You too. Bye."

And I realized that wala pa pala yung damit ko rito. Sana maideliver nila dito on time. Nagagandahan kasi ako ng sobra sa dress na gagamitin ko. Simple but elegant. Nagpalakad-lakad ako sa tabi ng isle dito sa kusina.

Sana hindi ko siya mapahiya dun. Mapapalaban ako sa pagsasalita ng english pag nagkataon. Hindi pa naman ako kagalingan na tao katulad ni Seb.

Tama! Ngingitian ko na lang sila. Hindi ko naman kailangang makiusyoso sa usapan nila. Sasamahan ko lang siya sa party. Wala na akong ibang gagawin. Ang kailangan kong paghandaan ay ang pagkikita namin ng mama niya. I feel like having a migraine.

Hihintayin ko na lang siya na dumating. Mamaya na lang ako maghahanda. Manonood na muna ako at maghahanap ng makakain. Binuksan ko ang ref niya at nagluto ako ng tocino.

***

Nasa battle part na ako ng maze runner the movie ng bumukas ang main door. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa kasi alam ko namang siya na itong dumating.

"Hi." wika niya sa likod ko. Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko. Nakailang puntos na siya ha. "Hindi ka pa ba magpapalit? Anong oras na. Baka hindi tayo makaabot sa opening ng event." sabi niya. Kahit ito na ang ikalawang beses na mapapanood ko ang maze runner, hindi pa rin ako nagsasawang panoorin. Ang ganda kasi ng concept ng movie. Hindi nakakaumay panoorin.

One hour had passed after he arrived. Natapos na ang pinapanood ko. Hindi pa rin ako gumagalaw para mag-ayos. Sinumpong na naman ako ng katamaran. Umupo siya sa tabi ko at itinaas niya ang paa niya sa mesa. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at nakipanood na rin.

"Naging mahimbing yata ang naging pagtulog mo at hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Sa hula ko, hindi ka pa nakapaligo. Ang tagal mo pa namang mag-ayos baka malate talaga tayo niyan."

I snirred at him. So what? "E di ikaw na lang ang pumunta. Dito na lang ako."

Hindi siya nagbigay ng side comment niya sa sinabi ko bagkus inilabas nito ang phone at nag-dial siya ng hindi ko nababasa kung sino ito. Bigla akong tumayo dahilan para ma-outbalanced siya. Konti lang naman. Baka kung hindi nakasandal sa sofa ang likod niya, mapapahiga talaga siya.

"Ahh... Hello! Yes... this is Caleb... may I speak to your manager please... Yes... thank you." He silenced and waited. "Miss?... Manghihiram lang sana ako ng stylists mo. Kailangan ko kasi ngayon... No, hindi ako... yes..." he gave sideway glance at me and then back again to the tv. Nakikinig lang ako sa sinasabi niya. Meaning ba ng pagtawag niya, hindi na namin kailangang lumabas? "Yeah, here in my unit... the party starts at eight so..." Ang haba naman ng usapan nila. Detalyadong-detalyado. "I have my own date... Yeah, she's worth it... Iiwasan ko ng magkamali and you know what, she's something. One day, you'll gonna meet her." Ha? Paano napunta sa akin ang usapan nila. Infair, close talaga sila. "Magpapunta ka na lang dito ng dalawa para mabilis nilang ayusin kasi anong oras na... Okay, bye." that's it. Ibinaba na niya ang tawag.

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon