Chapter 3- Tagaytay Escapade 2

274 2 0
                                    

Nagulat kami at natulala ng lumabas sa CR si Mattie. Una kong napansin ang suot niya. Nakaswimsuit lang ito. Ang ganda ng kwentuhan namin, relax na relax kami tapos sisigaw siya ng...

"Swimming na tayo." sabay patong ng dalawa nitong palad sa hips nito.

Baliw ba siya. Kararating lang namin ng hotel, swimming agad ang gusto niya. Hindi ba siya napagod?

Kunsabagay, sila lang naman ang maliligo doon.

"Kaya pala ang tagal mo sa loob ng CR. Nagpalit ka na pala. Halatang pinaghandaan ateng." puna at panunukso ni Karla.

Natawa kami ni Valeen sa sinabi ni Karla. Hindi lang halata, halatang-halata talaga.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maupo ito sa paanan ko. Nakasandal kasi ako sa headboard ng bed namin at nakaunat ang mga paa ko. Walang pakundangang pinag-ekis nito ang mga paa.

Saan sila kumukuha ng lakas ng loob at nakapagsusuot sila ng mga swimsuits? Hindi ko mawari. Kakarampot na tela lang ang tumatakip sa private body parts nila.

"Magpapalit na rin ako." sabi naman ni Valeen. Sinundan ko siya ng tingin.

Hala! Isa pa to. Excited rin? Naghalungkat ito sa bag niya at inilabas ang two piece suit nito. Oh my God! Ako lang ba talaga ang hindi nagdala ng swimsuit? Ako lang ba ang hindi nagsusuot ng swimsuit? Tumakbo na ito papuntang CR. Sige na. Sila na ang marunong lumangoy. Sila na ang nagsusuot ng swimsuit. Ako na ang loner at hindi marunong at hindi nagsusuot. Ako na ang manang magdala.

"Ikaw babae!" sabi ni Matt sabay turo sa akin.

"Bakit?" tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay.

"Wala kang dala?"

"Wala." simple kong sagot. Nahihiya na ako.

"Walanjo. May extra suit ako dito. Kunin mo na lang kaysa bumili ka pa sa labas. I'll just get my bag over there."

Tatayo na sana si Mattie ng mabilis ko siyang pigilan sa kamay.

"Bakit? Ayaw mong lumangoy?" sabay iling nito.

Nanonood lang naman si Karla sa conversation naming dalawa.

Umiling ako. "I don't know how to swim." pagsabi ko sa kanya ng totoo kaysa naman sa magsinungaling ako. On time naman ang paglabas ni Valeen mula sa CR. Sumunod si Karla bitbit rin ang suit nito. Hindi ko napansin na may hawak na pala siya.

"Yung totoo?" hindi makapaniwalang tanong ulit sa akin ni Mattie.

"It's the truth."

"Anong pinag-uusapan niyong dalawa?" tanong ni Valeen at umupo sa bed nila paharap sa amin.

"Hindi daw siya marunong lumangoy. May ganun pa pala ngayon." Mattie.

"Kaya nga may tinatawag na weaknesses, di ba?" I said to her in a sarcastic manner.

"Oo nga naman Mattie pero okay lang yan Shienne, umupo ka na lang doon sa gilid ng swimming pool. Hindi naman ako masyadong magbababad." Valeen encouraged me.

Well, I liked her. As a friend. She's something ha.

"Ganun talaga ang balak kong gawin mamaya." sabi ko.

"Hindi talaga ako makapaniwala. Gusto mo turuan kita?" Mattie suggested.

"Kahit anong gawin mo na pagtuturo sa akin. Hinding hindi ako matututo." aniya ko.

"Okay fine. Saglit lang sa swimming pool. And then magbar tayo." Mattie.

"Mas gusto ko pa yang gawin." ngiti kong pag sang-ayon sa kanya.

Without YouWhere stories live. Discover now