Chapter 64 - Unforgivable Doubt

97 2 0
                                    

It was a blessing. Not by any chance.

Sa lahat ng mga araw na inisip kong mag-iisa lang ako, hindi yun nangyari. Yung mga binitawan nilang salita, tinupad nila lahat. Yung akala ko noon na babagsak na ako, hindi nila hinayaan na mangyari yun sa akin, they lifted me up, they encouraged me enough. That I need to fight not just for myself but for everyone around me. They motivated me to even love myself more and the baby that grew inside my womb.

And I did. I did what they told me. And I'm happy and proud that I'm a single mom.

But not happy enough, my heart still aches for someone.

After I gave birth last month, until now, I'm building myself of curiousness, so many what if's running on my mind.

Habang nasa delivery room ako, si Seb lang ang laman ng isip ko. Kung sana nandun lang siya sa tabi ko. I just imagined that in that room, he took care of me, him kissing me in my forehead, whispering that it'll gonna be okay, assuring me that he'll stay by my side. Pero hindi. Hindi na niya ako masasamahan pa sa pagkakataong malungkot ako. Hindi niya ako ipagpapalit sa taong mahal niya.

Mahirap. Masakit. Na tiniis ko ang lahat. Para sa magiging anak namin. Siguro kung wala lang si tita Joe, hindi ko alam kung saan ako kakapit. Tinulungan nga niya ako pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na umasa na sana si Seb ang nasa tabi ko. Na sana hindi niya sinasadyang malaman. Na sana sinorpresa niya ako noong nasa delivery room ako. Na sana pinapangiti niya ako. Na sana minamahal niya ako. Dalawa kami ng anak niya.

Halos isang buwan na matapos akong manganak. Pero hindi na naulit yung mahawakan ko ang baby ko. Isang beses ko lang siyang nahawakan ng ibigay sa akin ng assistant nurse niya. Tinitignan ko na lang siya ng malapitan. Dahil natatakot ako. Paano kung bigla ko siyang mabitawan. Paano kung mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya. Hindi yun kaya ng konsensiya ko. Ayaw kong masaktan ang baby ko.

On leave pa ako sa trabaho. Eight months na ang baby ko ng mapagdesisyonan nila na lumipat na ako kina tita Joe. Simula noong nandito ako, hindi ko pa nakita si Seb na dumalaw dito.

Masaya na talaga siya.

Nung magleave na ako, dapat sana kay Shay ako didiretso, yun ang plano ko kaya lang sa hindi inaasahan, nalaman ni tita Joe ang sitwasyon ko and she's the one who's now taking care of me. Sinamahan din ako nina Jastine at Valerie sa hospital. I thought that time that they can't make it but they did. Nakahabol sila. Umuwi pa talaga sila para sa panganganak ko.

Siya lang talaga ang kulang. At ang family ko.

Na-a-appreciate ko ang gustong mangyari sa akin ni tita Joe. Umaasa siya na ngayon tatanggapin ko na ang offer niya na tumulong sa business nila. Nakakataba ng puso kasi hindi pa rin siya nagsasawang tanungin ako even I declined her offer many times. Ayaw kong dumepende sa kanya dahil lang sa lola siya ng anak ko. Gusto ko pa rin na ako ang magsikap para sa anak ko para kahit papaano, hindi lumayo ang loob niya sa akin paglaki niya.

Hindi nga sila pumasok lahat ngayon. Si tita Joe, nagleave din sa office at pinasa na niya muna lahat ang trabaho kay Seb para lang alagaan si Cato. Natawa nga kami ng tanungin daw siya ni Seb kung saan siya pupunta pero ang sabi ni tita, huwag na lang daw siyang istorbohin. At tapusin na lang niya ang mga maiiwan niyang trabaho. Si Valerie, siya ang tumatayong ina ng anak ko ngayon. Palagi niya itong hinahawakan. She carries my child like her own. She sings him lullaby and she kiss him everywhere. Hindi siya nagsasawa. Hindi niya malayuan ang anak ko.

Binigyan na rin niya ako ng invitation letter sa kanilang kasal ni Heist. Na hindi ko sigurado kung makakadalo ako. Sa Cebu gaganapin at nagdadalawang isip ako kahit na sagot na lahat ni tita. Gusto niya lang na makapunta ako at dalhin ko si Cato. Dahil sa kasiyahan niya hindi niya naisip na pwede kaming magkita doon ni Seb. At makita niya ang anak namin.

Without YouWhere stories live. Discover now