Chapter 71 - EndLeSs tEaRs (part 1)

138 1 5
                                    

Shienne's POV

"Tita, akala ko ba next month natin ito gagawin, bakit parang biglaan naman yata." Hindi naman sa pinipigilan ko si Tita Joe sa gusto niyang mangyari kaya nga lang parang sobra naman na yata itong pagpapahalaga niya sa apo niya. Hindi ako nagrereklamo sa posisyon kong ito, nao-overwhelmed nga ako pero ako itong nahihiya kasi hindi ko magawa sa kanya ang mga bagay na ito.

Siguro, bitter lang ako dahil hindi ko naranasan ang marangyang buhay. Na imbes na kakampi ko ang mga kapamilya ko, sila pa ang best enemies ko. Sila yung taong ayaw ko ng lapitan. Pahirap ang buhay na dinanas ko noon sa poder nila. Nagtitimpi lang ako dahil alam kong may hangganan din ang lahat. Kumakapit lang ako sa paniniwala kong yun. Na pagdating ng araw, sila din ang unang lalapit sa akin.

Nagseselos ba ako sa sarili kong anak dahil nararanasan niya ang mga bagay na ito ng hindi pa niya nakikita at hindi sa akin? My God! Hindi na ito makatuwiran. I need to set aside this feelings. Ginagawa nila ito para sa anak ko. Period. I-accept ko na lang ang blessings na dumarating sa buhay niya because it feels good to have someone by my side, bringing happiness to my son. Sapat na sa akin na masaya na ako para kay Cato, makakalimutan ko din kung paano siya mahalin.

"Celeste will be here on that exact date so I decided that it will be held this month. Ayaw na ayaw ng Tita Celeste mo ang mga ganitong socialization." Sagot niya ng hindi tumitingin sa gawi ko but she's smiling. Masyado siyang aligaga sa ginagawa niya.

Siya ang naghahanda ng mga pagkain dito sa kitchen. She's too hands on to the food na hindi niya mapagkatiwalaan sina Nay Martha. Tita Joe will serve her best cuisines ever for all of us. Alas sais na pero wala pa rin ang mga empleyado nila sa restaurant at sa opisina. Pati rin si Shay hindi pa daw lumalabas. Pinag-overtime daw sila ni Seb pero wala naman daw siyang ipinapagawa sa mga ito. Anong rason niya para gawin niya yun?

Ewan.

"Ganun po ba?" Ng makita kong huhugasan niya ang mga gulay. "Ako na po ang gagawa niyan." Alok ko na ibinigay naman niya sa akin. Hindi niya kami pinapalapit dito sa kitchen niya pag may okasyon. Sabi ko nga, siya ang bahala sa mga pagkain.

Nasa may kitchen sink ako ng magsalita sina Nico at Brieyen sa bungad ng kusina na kadarating lang din. Sinundo pa kasi ni Nico si Brieyen kaya natagalan sila. Pero mabuti na rin at nakaabot pa sila. At saka hindi pa naman nagsisimula. "We're here. How are you Tita Joe? Blooming as ever. Nakakainggit." Ani Brieyen. Habang nakikipagbeso sila kay Tita Joe, inilapag ko naman sa mesa ang mga nahugasan ko na.

"Ayaw ko naman na magkaroon ako ng wrinkles pag nakita ako ng apo ko. Jusko!"

"Ano ka ba Tita. Hindi ka naman nai-stress kaya hindi ka na magkaka-wrinkles niyan."

"That's true, hija."

Nakangiti siyang lumapit sa akin. "Wait, basa ang mga kamay ko. Pupunasan ko lang muna." Pero hindi na niya ako pinalayo pa. Dahil bigla na lang niya akong niyakap.

"Just forget it. Damit lang yan." Natatawa niyang pahayag."Hindi niya inintindi kahit na mabasa ang damit niya.

"Hi Shienne. Nice to see you.. again." Nico comes next to greet me, offering the flowers for me to take it.

"Thanks sa flowers. Nag-abala ka pa."

"Ako na lang kaya ang nagbibigay niyan sayo. Ako na muna ang magbibigay. But don't worry. Maniningil naman ako pag kailangan ko na ng pera. Hindi ko kasi alam kung saan ko gagamitin ang mga pera ko ngayon." Natawa kaming lahat sa sinabi niya. Simula noong makapanganak ako, hindi na siya tumigil sa pangbibiro sa akin. Pinagkakatuwaan niya ako.

"Figures." Nasanay ko na ang sarili ko na it's their way to greet others. Life of a rich people, I guess.

"Buti na lang umabot kami pero mukhang hindi pa yata kayo nagsimula. Wala pa yung--" Naningkit ang mga mata niya ng hindi niya mawari kung sino pa ang mga wala na nasa living room.

Without YouWhere stories live. Discover now