Chapter 21

130 1 0
                                    

It was twice already. I need to figure him out on my thrice attempt. Ipinikit ko ang mga mata ko and counted to five seconds and when I opened my eyes, he left already in that place, in that position where I last saw that guy.

It's my hallucinations all along. Imahinasyon. Guni-guni ko lang pala. Akala ko nandito rin siya. Yun pala, dala lang ng pag-inom ko ng alak. Dala lang pala ng kalasingan.

I... am... so devastated and sad and lonely and frustrated all in one emotions. Paasa siya. Oo. Sinisisi ko siya. Bakit kasi? Pinapaasa niya ako sa mga bagay na malabong mangyari. Ito kasing puso ko, kay Seb na sumusunod.

Akala ko siya na yun. Akala ko pwede kaming magkasalubong sa isang lugar in an unexpected way. Yun pala, sa isip ko lang.

"Malabo naman kasing nandito siya. Sa dami ba naman ng club dito sa pilipinas. May mas gaganda pa dito sa pinuntahan natin Shie. Malayo kayo sa isa't isa, tandaan mo." Kontra ng utak ko.

Mas na-motivate tuloy akong umuwi na. Gusto ko na lang ipahinga itong nararamdaman ko. Ni hindi pa niya ako tinatawagan.

"Paasa siya." Bulong ko sa sarili ko habang palapit ako kina Mattie. Yayayain ko na silang lumabas.

Sabik na akong makita ka ulit Seb. My heart's missing you so much.

***

"Umuwi na tayo." Sigaw ko sa kanila. Inaayos ko na ang bag ko. Talagang uwing-uwi na ako.

"Mamaya na. It's still early. See?" Pinakita ni Valeen sa akin yung watch niya na alas dyes na ng gabi. Inalis niya sa mukha ko at ito naman ang tumingin sa sariling relo. "Ten na pala. Akala ko eight pa lang kaya nasabi kong maaga pa. Sorry Shie." Parang bumalik ito sa huwisyo a.

Tipid akong ngumiti. "Kung ayaw niyo pang umuwi, mauuna na ako sa inyo. Gusto ko na talagang magpahinga." Tumayo na ako. Gusto ko man din na magrelax dito at sumayaw to the highest level, hindi na sumusunod ang katawan ko sa akin. Kung pwede nga lang humiga na din ako dito, kanina ko pa ginawa.

Ng hindi ko sila mahintay na tumayo, tinalikuran ko na sila. Ang sakit na rin ng likod ng ulo ko. Kumikirot na naman.

Naglakad-lakad muna ako ng konti papalayo sa club saka ako lumulan ng sasakyan.

***

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Inabot ko ang pouch ko para maitext ko silang tatlo na nakauwi na ako ng ligtas. Baka nagkakasiyahan pa rin sila doon ngayon at hindi nila maasikaso ang text ko kaya lang, kailangan ko silang iwanan doon kasi malapit na akong magshut down.

***

Hindi niya ako nagawang tawagan.

***

Nagising ako sa ingay ng phone ko. May tumatawag.

Gusto ko pang matulog. Istorbo ka.

Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Nangalay sa tagal ng pagkakadagan ko. Ng tumigil na ito sa pagriring. Humarap ako sa pader at yinakap ko ang unan.

Buti naman.

Pero wala pa yatang isang minuto ang lumipas, nagring ulit. Napabalikwas na ako ng bangon. Naupo ako sa kama at tinignan kung sino ang tumatawag.

Mine

Mine? Kaninang madaling araw ko lang pinalitan ang pangalan niya dito sa phone ko ng maalimpungatan ako.

Yeah! He's mine... for now.

"Hello." tinatamad kong bati sa kanya. Medyo paos pa ang boses ko. Anong oras na ba? Inilayo ko na muna sa tenga ko ang phone ko, para tignan ang oras. Nine na pala.

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon