Chapter 49- Celebrations

121 8 0
                                    

"Oh my God. Ang ganda." Pansin ni Valeen sa suot kong singsing.

Pinatanggal nila sa daliri ko para daw mapagmasdan at mausisa nila ng maayos. Ilang minuto na kaming nakaupo dito pero hindi pa rin sila nagsasawa sa kakatingin sa singsing. Halos pag-agawan na nila. Hindi sila makuntento sa isang tinginan lang.

"Baka naman matunaw na yang singsing sa ginagawa niyo. Wala na akong maisusuot." Biro ko sa kanila.

Forbidden. Classic. Sacred ring.

"Nakakainggit kasi. Naiinis tuloy ko." Pagdadabog ni Karla.

"May ganito pa pala sa mundo no. Pinagsamang old and new designs." Hindi makapaniwalang pahayag ni Mattie. "Unique ang hitsura ng singsing." Bigla siyang tumingin sa gawi ko na nagpataas ng isa kong kilay. I'm asking her why inside my head. "Is he insinuating his right to you? Is he informing the whole world that you're already taken and no one can beat him to you? Is that his motives for giving you this ring? Oh em gee. I think it's insane." Mattie reacted. She's hyperventilating.

Hindi napansin ni Mattie ang suot kong singsing ng pauwi na kami kaya ganyan siya makareact ngayon. Idinaan na lang kami ni Seb sa terminal noong papasok na siya sa trabaho.

"Insanely sweet." Karla whispered mostly to herself.

"You're exagerating things Mattie." I said, tilting my head. "It's just a ring. Nothing else." I dismissed.

"Rings also symbolizes of how much you love each other." Pilit ni Mattie.

"So?"

"I notice" Ani Valeen after a minute of silence. "May pagkakapareho ang singsing at ang kwintas na binigay niya sayo. Does it have a meaning?"

"I don't know. Hindi naman niya magkasabay na ibinigay sa akin." Hinaplos ko ang kwintas na suot ko. "Ng makita ni Wyna na suot-suot ko ang singsing, she is Seb's cousin by the way, something like pinasa-pasa pa ito ng mga ninuno nila. Parang ganun. Pina-intricate na lang nila after gen-to-gen. And nagkataon that this is our generation."

"Tapos? Alam kong may kasunod pa yang sasabihin mo." Sabi ni Mattie.

"Bawal ko na daw itong ibalik. I mean, pag naibigay na daw yan sa babaeng gusto nila. Hindi na daw pwedeng ibalik nung babae ang singsing sa nagbigay."

"Huh? Care to explain more. Hindi ko gets." Karla, still wondering.

"It's like a spell. Parang may kalakip na sumpa ang singsing na ito."

"Creepy." Mattie. Isinuot ko na ang singsing.

"Lahat ba ng miyembro ng family nila may ganyan din?" Singit ni Valeen.

"Kila Seb lang daw. Wala naman daw naipapasa sa kuya ni Wyna. Ewan ko ba. Kumbaga, sila yung nasa centro ng clan nila parang ganun. Kaya sa kanila napunta ang singsing na ito. Sa pagkakaintindi ko, yung lolo ni Seb ang panganay sa magkakapatid kaya sa anak, apo nung panganay naipasa ang singsing." Esplika ko sa kanila.

"So meaning, kayo ang next generation na pagpapasahan niyan?" Karla.

"Oo. Something like that."

"Meaning din, hindi na kayo pwedeng maghiwalay ng bebe mo?" Tukso ni Mattie sa akin sabay kurot sa tagiliran ko. "Naunahan pa tayo ni Shienne o. May fiance na siya. May engagement ring na rin. Kung sino pa yung NBSB, siya pa ang unang na-engaged."

"Tumigil nga kayo. Hindi ganun ang status namin ngayon. For appearance lang ito no."

"Appearance that you..." pointing at me. "Are already engaged to him. That's what people cross their mind if they see you wearing a ring." Tuloy ni Mattie, sipping on her juice.

Without YouKde žijí příběhy. Začni objevovat