Chapter 74 - tHe Man wHo LeT mE gO

143 2 4
                                    

Us?

Is there had an us?

Me plus him? Us?

Gagamitin na naman ba niya ako?

Ang tanong, kaya ko pa ba kung yun ang gusto niya ulit mangyari?

Aalis na naman ba si Asthrid? Iiwan na naman ba siya nito kaya ako na naman ang nilapitan niya?

Sa tingin ko, parang ayoko ng paglaruan niya ako. Sa bandang huli, iiyak na naman ako kahit na ngayon, umiiyak pa rin naman ako. Magiging doble ang sakit pag bumalik na naman siya kay Asthrid. Ipipilit ko na naman ang sarili ko. And he'll make me fall in love with him all over again.

Kaya ko pa naman siguro, mararamdaman ko ulit ang saya. Kahit na alam kong wala kaming pag-asa na dalawa, parang gusto pa rin ng puso ko. Kaya ko pa siguro, baka sakaling ganito na naman ulit ang maging scenario. Baka maulit na naman ang mga nangyari. Parang cycle kumbaga. Ang pinagkaiba na lang ngayon at sa dati, magkakilala na kami ng lubusan. No more getting to know each other.

Mawawala ulit si Asthrid sa buhay namin. Ako ulit ang hahanapin ng puso niya. Babalik na naman siya sa akin. Kaya ko naman siyang tanggapin ulit, basta hindi magtatagal sa buhay namin si Asthrid. Martyr na kung martyr. Hindi na ako natuto. Pero pipigilan mo ba ang nararamdaman mo kung mahal mo pa yung tao. Siya na ang lumalapit sayo. May pag-asa pa para may mabago ka. Baka sa huli, ikaw na ang laman ng puso niya.

Mukhang malayo ang iniisip ko sa mangyayari ngayon. Mukhang hindi ganun ang pag-uusapan namin. Kung anu-ano ang iniisip ko.

"Huwag na nating balikan ang mga nangyari na. Tapos na ang mga yun. Kaya ibaon na natin sa limot. Ma.. masaya ka na. Huwag na nating pag-usapan. Ang importante, magfocus na lang tayo kay Cato. Siya dapat ang pagtuunan natin ng pansin." Mariin kong pahayag. Ayaw kong pag-usapan namin ang nakaraan. Sariwa pa sa isip ko. Mababaon na naman ng husto ang mga karayom na nakatusok na sa puso ko. Binabalanse ko ang mga sinasabi ko, ayaw kong may masabi akong hindi niya magugustuhan.

Siya pa rin talaga ang iniisip mo.

"Hindi ka na ba nasasaktan para hindi na natin pag-usapan? May nagbago na ba? O baka naman, nakamove on ka na? Mahal mo pa ako di ba? Naghihintay ka pa rin sa akin?" Napatingin ako sa kanya. Anong gusto niyang mangyari? Tama ba ang iniisip ko sa kanya?

"Seb--"

"I'm sorry, okay?"

"Sorry na naman?" Palagi na lang sorry. He said, I miss you just to end with a word sorry? Parang sinasabi niya na may pag-asa ako pero sa huli sorry dahil hindi niya matugunan ang feelings ko. "Wala ka na bang ibang sasabihin kundi sorry?"

"Kaya nga mag-uusap tayo. Pinapalaki mo yung maliit na sitwasyon." I bite the inside of my mouth. Dahil tama na naman siya.

"Hindi ba alam ni Asthrid na nandito ka? Na nandito din ako? Ayoko ng gulo Seb. Alam mo yan. Kaya kung maaari, baka makarating sa kanya ito--"

"Wala na kami." Sabat niya na nagpatigil sa akin. Nakita niya yata ang gulat sa mukha ko. Napalunok ako. Hindi ko inaasahan ang revelation na ito. "Matagal na kaming tapos." Nagbaba siya ng tingin at nilaro niya ang basong hawak niya. "Nasa Paris na siya at doon na siya titira. We stayed friends actually. Napansin namin na hindi na kami masaya sa relasyon namin. Siguro, sumuko na lang kami sa takbo ng mga isip namin. Akala namin ni Asthrid, mahal pa rin namin ang isa't isa, pero hindi na pala. Mahal namin ang isa't isa pero hindi na tulad ng dati. Hindi kami magkasundo sa mga bagay, naging matindi yung mga pag-aaway namin. Naging selosa siya. Bakit daw hinahanap kita? Bakit hanggang sa pagtulog ko, ikaw pa rin ang hinahanap ko." Nag-angat na siya ng tingin.

Without YouWhere stories live. Discover now