Chapter 57 - I need you more today

110 0 0
                                    

Listen to the song guys, repeatedly until the very end of this chapter. Thank you.

Gising na ang diwa ko pero nakapikit pa rin ang mga mata ko. Ang huli kong naaalala, nakatayo ako at kausap ko si Shay. She gently pushed me in a corner. Paanong ngayon, nakahiga na ako sa isang kama. Napakatahimik at iba ang naaamoy ko. Smell of chemical and medicines, antiseptic.

Natatakot akong imulat ang mga mata ko. Ano ba kasi ang nangyari kanina at bakit wala na akong maalala pagkatapos. Hindi ko talaga maalala. Kinapa ko ang kama na kinahihigaan ko. Mga daliri ko lang ang iginalaw ko in case na may kasama ako dito at hindi ako mahalatang gising na ako.

"Ate Shienne?"

Shay?

"Ate Shienne?"

Shay?

Is that you?

"Ate Shienne? Gising ka na ba?"

Iminulat ko ang mga mata ko ng dahan-dahan ng masiguro kong boses nga yun ni Shay. Nasilayan kong nasa tabi ko siya. Nakaupo. Niyakap niya agad ako ng magtama ang mga mata namin. "Buti naman. Gising ka na. Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Sobra akong nag-alala."

Habang nakayakap siya sa akin, tumingin ako sa paligid namin. Mula sa kisame hanggang mapadako ang mga mata ko sa equipment na nasa tabi lang ng kama na hinihigaan ko.

Hospital equipment?

"Shay, nasaan tayo?" Tanong ko. Paano naman kami mapupunta sa hospital. Pero,

Lumayo siya. "Nasa hospital tayo." Sagot naman niya na lalong nagpawindang sa naguguluhan kong isip. Paano ako napunta dito? Bakit nakahiga ako sa isang hospital bed?

Ito ang unang pagkakataon na namalagi ako sa loob ng hospital. Ayaw ko sa hospital, natatakot ako. And I can't stomach seeing people in sick.

"Anong ginagawa ko dito? Kanina pa ba tayo dito? Anong oras na ba?"

Something click in me. Hindi ako pwedeng maconfine dito. May trabahong naghihintay sa akin.

"Nakita ka namin na nahimatay kanina. Nagulat ako ng makarinig ako ng parang may natumba. Akala ko may nahulog lang na gamit. Hindi ko ine-expect na ikaw pala yun. Hanggang marinig ko na lang si Wyna na isinigaw niya ang pangalan mo."

Naalala ko na. Nawalan ako ng malay. Dahil pagkatalikod ko, nahihilo na ako at bigla na lang nagdilim ang paningin ko. Anong ginagawa ni Wyna doon?

"Si Wyna? Paanong--"

"Oo. Sinundan ka pala niya. Hindi na siya tumuloy sa pupuntahan niya. Kagabi ka pa nga niya hindi maiwan-iwan, dahil pinagpapawisan ka habang nasa kwarto tayo. Hindi ka mapakali."

"Saan na siya ngayon? Umuwi na ba siya?"

"Bumili lang siya sa labas. Babalik nga pala yung doctor mamaya. Sa klase ng ngiti niya ng matapos ka niyang i-examine, parang good news ang sasabihin niya sayo. Anyway, malalaman natin mamaya. Sasabihin niya daw kung ano ang kalagayan mo."

"Sa opinyon mo, malala ba ang sakit ko?"

"Baka naman, pagod mo lang yan 'te. Overstressed. Fatigue. Don't tired yourself too much."

"Sana nga. Ganun lang. Hanggang kailan ba tayo dito?"

"Pwede ka ng lumabas mamaya pagkausap sayo ng doctor."

Ng bumalik sa akin ang nangyari kanina. "Bago ako mawalan ng malay, may alam ba si Seb sa nangyari? Alam ba niyang nandito ako? Sinabi mo na ba sa kanya?"

Without YouWhere stories live. Discover now