Chapter 55 - Still holding from you

106 2 0
                                    

Mga mata niya ang una kong nasilayan ng magising ako. Malungkot ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Pag-aalala ang namumutawi sa mga dati niyang nangingislap na mga mata. Wala akong kakayahang maniwala sa expression ng mukha niya. Nasasaktan talaga ako. If he really cares for me or it was just an act of his. Pinapaniwala lang niya ako na may pakialam pa siya sa akin. Gayunpaman,

Mahal ko pa rin siya. I'm still holding from him. Siya pa rin ang laman ng puso ko. Umaasa pa rin ang puso ko sa kanya. Iniisip ko na lang na isang masamang panaginip ang lahat, ang tungkol kay Asthrid.

"Hindi pa ba maganda ang pakiramdam mo?" Idinampi niya ang kamay niya sa noo ko.

"Pagod lang to. Nakukulangan na kasi ako ng tulog kaya minsan nahihilo ako." I explained.

Inalis ko ang kumot na nakatakip sa akin. Na siguro inilagay niya kanina. At umalis ako ng kama para makapagpalit na ako ng damit.

"Hindi ba pwedeng magpahinga ka na muna?" He asked. Hinarap ko siya.

"Okay na ako. Hindi na mauulit sa akin yung nangyari kanina."

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Gusto mo bang samahan kita sa loob? Baka mamaya niyan, mahilo ka na naman dun."

Nanlaki ang mga mata ko. "A-anong samahan? Saan?" Ano ba sa tingin niya ang pupuntahan ko.

"Di ba, magsa-shower ka? Baka mahilo ka na naman sa loob." Nanlaki ang mga mata ko. Nababaliw na ba siya? Cr kaya yung pupuntahan ko. "Bakit parang nagulat ka sa sinabi ko? May masama ba dun? Nakita ko naman na lahat."

Na pinagsisihan kong ibigay sayo babe. "Huwag mo na ngang banggitin. Ano ba kasing ginagawa mo dito? Dapat nasa Cebu ka ngayon. Di ba nasa Cebu ka pa rin sana ngayon. Bakit nandito ka na?"

"Galit ako sayo."

"Why?"

"Nalaman ko kay Mattie na nag OT ka. Bakit lumabas ka pa rin na kasama si Calvin? Binawalan na kita pero pumunta ka pa rin. At sino yung kausap mo kanina?"

"Ang dami kong kinausap kaninang umaga. Alin ba sa kanila ang tinutukoy mo?" Kaninang umaga pa ba siya naghihintay sa akin dito?

"Yung kausap mo kanina sa harap ng opisina niyo. Hinahalikan ka ba niya? Bakit ang lapit ng mukha niya sayo? Anong ginagawa niya sayo?"

Ng magsink-in sa utak ko si Nick. Siya lang ang kausap ko sa labas ng opisina kaninang umaga. "Hindi." Tinaggal ko ang coat ko. "Nabunggo niya ako kaya medyo sumakit ang ulo. Hindi niya naramdaman na nasa likod niya ako."

"Ayaw ko ng makalapit-lapit ka sa lalaking yun at ayaw na ayaw kong sinasamahan ka ni Calvin."

"Bakit ka ba nagagalit kay Calvin. Kaibigan ko lang siya. Ilang beses ko bang sasabihin yun sayo? May girlfriend na yung tao."

Napaatras ako ng magmove forward siya pero naabot niya ako at niyakap niya ako ng mahigpit. "You're mine. Only mine."

Nagpigil ako ng ngiti. "Oo na. Pwede na ba akong maligo?"

Nawawaglit sa isipan ko na may itinatago ako sa kanya.

Ng gabi ding iyon, nasa tabi ko lang siya. Hindi niya ako iniwan. Kating-kati na naman ang dila ko na tanungin sa kanya si Asthrid. Ang nagagawa ko lang ang kausapin siya sa isipan ko havang natutulog siya.

Hindi na kami lumabas pa dahil nag-aalala siya sa kalagayan ko. He insist that we need to see a doctor but I declined his offer. Pinaghanda niya ako ng pwede kong makain. Kumain na lang kami dito sa unit ko.

***

The number you have dialled is out of reached. Please try again later.

The number you have dialled is out of reached. Please try again later.

Without Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن