Chapter 59 - Out of painfulness?

105 4 0
                                    

Buo na ang desisyon ko na tanungin siya this time. Hinahanda ko na nga ang sarili ko sa gagawin ko at sa mangyayari.

Palagi mo namang pinaghahandaan pero laging nau-unsiyami. Palaging umaatras ang dila mo.

Hindi ko na patatagalin pa. Masakit yung araw-araw akong tino-torture ng sarili kong puso. Yun bang siya na ang unang naggi-give up. Pero ayaw muna ng katawan ko.

Pumunta kami sa isang korean restaurant that served desserts and coffees. Ayaw muna nila akong paalisin at pumunta sa opisina ni Seb. Sa kadahilanang hindi ko siya madaratnan doon dahil lumabas daw sila ni Asthrid. What do they mean sa word na 'lumabas'? Holiday pero may mga ilan pa ring pumasok na mga empleyado nila. Sayang rin yung dobleng sahod.

Tinanong ko sila kung kailan ko siya pwedeng puntahan at sinagot naman nila ako na sa susunod na araw pa. Wala silang alam kung saan sila pumunta. It took me an hour to compose my heart that's hurting.

Nakikita ko naman ang effort nila na pasayahin ako para hindi ako magmukmok. Kaya lang, nakatanim na siguro sa puso ko na kung wala si Seb, hindi ako magiging masaya.

Ayaw kong mag-isip ng masama na bumalik na nga talaga ang nararamdaman ni Seb kay Asthrid. Ang nagbibigay na lang sa akin ng pag-asa na babalik siya sa akin ay dahil sa batang nabubuo dito sa loob ng tiyan ko.

Di ba may ganun rin naman na lalaki. Naghahanap lang ng tamang oras para makita nila kung ano ba talaga ang gusto nila sa buhay. At may mga lalaki rin na handang magsakripisyo para hindi nila iwan ang babaeng mahal nila. Naguguluhan lang si Seb ngayon dahil pinapaniwala lang niya ang sarili niya na si Asthrid pa rin ang mahal niya. Hindi naman maiiwasan ng kahit na sino na magbalik ang ala-ala nila sa nakaraan. Tapos yun na yung papaniwalaan nila. Parang yung isip nila, naiwan sa nakaraan dahil sa bumalik lang sila sa tapos na.

Hindi na ako makapaghintay pa na sabihin sa kanya pero gaya ng dati, pinigilan na naman ng tadhana na magkita kami.

Nasa loob na kami ng restaurant at abala pa silang dalawa sa pagpili ng pwede naming makain sa menu. Kung ano ang gusto nilang kainin, ganun na din sa akin. Abala ako sa pagtingin sa newsfeed ko sa wattpad. Matagal ko na itong hindi ginagawa. Wala akong maisip na plot para sa istorya dahil si Seb na lang ang laman ng isip ko. Kung paano ko siya ia-approach.

Sinabi na nila sa server ang mga napili nila. Napakunot ako ng noo ng marealize ko ang mga sinabi nila. "Teka, mauubos ba natin ang lahat ng yun? Ang dami niyo namang inorder. Tatlo lang kaya tayong kakain." Sabi ko sa kanilang dalawa. Depende na lang kung i-take out namin yung iba. Pero wala naman akong narinig na sinabi nilang take out.

"Kasi nga ate, susunod sa atin dito si ate Valerie. Dumating din siya kahapon. Nag-usap kasi sila ni kuya Heist na sabay silang uuwi. Ang problema nga lang, nagkasalisi ang schedule ni kuya Heist kaya malabong magkita sila ngayong weekend." Pahayag ni Wyna na ikinagulat ko. I'm not expecting Valerie to see her at this moment. Akala ko busy siya.

"Ohhh.. I'm surprised."

"Yeah. Nagulat nga din ako. Dati, hindi sila umuuwi. Guess, for a change." Wyna.

"Oo nga. Masaya itong paglabas natin ngayon." Shay.

"Huwag niyo na munang sabihin sa kanya na buntis ako. Ayaw ko din na malaman niya." Pakiusap ko.

"What?" Bulalas ni Wyna. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Ano bang plano mo sa bata ate Shienne? Itatago mo sa kanilang lahat? Hindi naman yata tama yang ginagawa mo. May karapatan din naman silang malaman ang tungkol sayo. Hindi ka na bago sa pamilya namin. Si tita Joe, itinuturing ka na niyang tunay na anak. Kailangan nilang malaman ang tungkol sa bata. Huwag mo naman sanang sayangin yung tiwalang ibinigay nila sayo. " Pilit niya.

Without YouWhere stories live. Discover now