Chapter 18

112 3 0
                                    

Parking lot to visitors/ occupier lounge and then we rode the elevator and naglalakad na kami papunta sa unit niya...

Ano kayang hitsura sa loob? Sa lounge pa nga lang, enggrande na paano pa kaya sa unit niya. What it feels like to live with him... for just a moment? Yikes! First time kong makapunta at makaranas na pumunta sa mga ganitong lugar. How much is the cost of... this... place? Kung nagpurchase ako ng ganitong unit, jusko! aabutin ako ng one hundred years na bayaran.

"Wala ka bang balak pumasok sa loob?" tumigil na pala kami. Sa abala ko sa pagtingin sa paligid, hindi ko namalayang nabuksan na niya ang pinto. Na-a-amazed talaga ako dito.

Behave Shienne. Focus only on him first, others, later on.

"Sorry. Hindi kita napansin na nandiyan ka na pala. Paano ka napunta diyan?"

Isang hakbang pa lang sa loob ng unit niya ang nagagawa ko...

Oh 'em gee! OMG! I... I'm speechless. Nice view and... ang mamahal ng bayad? Yung gusto kong magtakip ng bibig ko kasi hindi ako makapaniwalang ganito kagara ang tinitirhan niya. Paano pa kaya yung as in na bahay na nila. Nasa main door pa lang ako. Kasi feeling ko, pag pumasok pa ako lalo, parang may mababasag or madudumihan.

Hinila niya ako papasok. Inalalayan niya ako paupo sa sofa. Yung katawan ko, gustong mag-explore dito sa loob ng unit niya. Yung pinapatay ako ng curiousity ko sa ganda ng mga muwebles and everything.

Glassy walls ang sa living room niya. Dalawa pang pinto ang nakikita ko aside from the main door. May hallway pa sa kaliwa malapit sa isang pinto. Siguro yun ang way papunta sa kwarto niya.

Modern na modern ang unit niya. Hindi colorful pero ang unique nh color. Good combination- black, white, and some things with brown color. Carpet, mga cushion pati ang sofa ay kulay puti. Ang linis tignan.

Ito ang mga gusto kong concept sa renovation ko sa house namin sa province.

Konting tiis pa Shie. Maisasakatuparan mo rin ang mga pangarap mo. Fighting! Fight lang.

Sinundan ko siya sa kitchen. Hindi ko siya napapansin sa paglilibot ng mga mata ko. Umupo ako sa stool. Parang mini bar naman ang dating nitong kusina niya. Kompleto sa utensils. May built-in cabinet na yari sa puno. Pinasadya siguro. May mga hanging glass pa na nakasabit sa tapat ng mesa na kinalalagyan ko. May oven sa tabi ng ref nito at electric stove sa gitna. Abala ito sa paglalagay ng cake sa dalawang plate.

Mahilig rin itong magstock ng pagkain sa ref ha. At cake pa talaga.

Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya. Kaya pala ang tagal niyang bumalik kanina. Para saan kaya yan? Meryenda kaya namin?

"Para saan yan?"

"Kakainin natin. Nagugutom kasi ako." tinalikuran niya ako.

"Kung pagsabihin mo ako na huwag akong kumain masyado ng matatamis, tignan mo nga ikaw, yan ba ang tamang pagkain? Hindi ka rin naman kumakain ng gulay." sita ko. I'm sure, dinner pa lang niya ito.

All of a sudden, binatukan niya ako pero hindi naman masakit. Yung pagdaplis lang. "I am physically fit and healthy. Alam kong balansehin ang pagkain ko."

Inirapan ko siya. Talo na naman ako sa sumbatan namin. Inikot ko ang tingin ko sa sala.

"Saan dito ang kwarto mo?" out of the blue question ko.

Nasa sink siya at naghuhugas ng kamay, ng marinig niya ang tanong ko, mabilis siyang lumapit sa akin dahilan para mapaatras ng konti ang upper body ko. "Ano ba." reklamo ko. Yung hindi ko inaasahan na gagawin na naman niya yun sa akin.

Without YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu