Chapter 52 - Heart's weakness

102 0 0
                                    

"A-ano?" Nauutal na tanong ni Karla sa akin. Kailangan ko pa bang ulitin. Ang hirap kayang ulitin sa kalagayan ko. "I mean.. kaya ba iniiwasan mo siya dahil-- dahil--"

Tumango ako at niyakap ko ang mga tuhod ko. Bakit mahirap pakawalan ang hinanakit? Kahit na gusto kong iwasan, hindi pa rin ako tatantanan. "Naaalala mo nung nagplano tayo na lumabas? Tapos sinabi ko sa inyo na may lakad kami ni Wyna na kailangan kong puntahan at hindi na ako makakahabol pa?"

"Oo.." She tilt her head, thinking hardly of it. "Ang tagal na kaya nun. So, yun ba yung time na nakita mo si Asthrid sa unit ni Caleb? Oh my God. Shienne?" Sigaw niya sa pangalan ko. "Hindi pa ba niya alam ang tungkol dun? Wala ba siyang ideya na pinuntahan mo siya noon?"

Napailing ako. "Hindi ko pa sinasabi."

"Oh my god. Paano mo nagawang itago sa kanya ang bagay na yun ng ganun katagal, Shienne. Si Wyna, hindi man lang ba niya sinabi sa kuya niya. Grabe siya ha." Nanggigil niyang sagot. Mabilis ko siyang tinabihan at hinawakan ko ang braso niya. "Mas kinakampihan niya pa ang kuya niyang loko-loko kesa sayo. Wala ba siyang conscience?"

"Walang kasalanan si Wyna, Karla. Ako ang dapat sisihin dito. Ako ang may gustong huwag sabihin kay Seb. Ayaw kong malaman niya na pinuntahan namin siya."

"Pero kailangan. Ikaw itong nahihirapan eh. Ako na magsasabi sa kanya."

"Hindi." Sigaw ko. Parang susugurin na niya si Seb sa lagay niya. "Ayaw ko ng gulo. Ayaw kong maging komplikado pa ang relasyon namin. Hahayaan ko na lang. Saka matagal naman ng nangyari. Wala na yun sa akin."

"Sinasabi mo lang yan. But deep inside of your heart, nasasaktan ka pag nakikita mo siya. Naaalala mo ang nangyari. Naalala mo ang nakita mo at naramdaman mo noon. Di ba, gustung-gusto mo na siyang tanungin. Nasa dulo na ng dila mo pero pinipigilan mong sabihin. Ayaw mo bang gumaan ang pakiramdam mo? Ayaw mo bang maging klaro ang relasyon niyo? Puno ng tanong ang isip mo. Ikaw lang din ang mahihirapan kung hindi mo sasabihin sa kanya. Kahit pilitin mo ang sarili mong maging masaya. Alam mong may kulang pa rin. Alam mong hindi ka pa rin masaya. Alam mong may mali pa rin." Niyakap niya ako. "Shienne, lumaban ka kung alam mong may mali. Kung alam mong mali siya. Huwag ka lang tatahimik. Walang solusyon ang problema kung hindi mo sasabihin ang pinag-ugatan nito."

"Takot akong marinig kung anong sasabihin niya. Paano kung--"

"Shienne, lumabas na tayo. Kailangan mong magpahangin. Hm? Huwag ka kasing nega."

"Dito na lang ako."

"Hindi. Lalabas tayo. Tara na. Kailangan magexplore and intake some beautiful natures para maging positibo naman ang assumptions mo."

Hinila na ako ni Karla sa loob. "Teka, kukunin ko lang yung scarf ko." Sabi ko sa kanya ng hilahin niya na ako sa pinto.

***

"Ang ganda pala dito sa labas ng hotel pag gabi na no? Buti na lang naisip kong lumabas tayo." She patted my arm. "I'm not pressuring you to think of a plan how to approach him. Pero gamitin mo ang time na ito to think things. Think things in a positive way not the other way around. Talk to him already."

"I know. Thanks sa pagsama mo sa akin Karla. You are really a true friend."

"I know, right."

Dumiretso kami sa pool at umupo kami sa mga chaise lounge chair. Iilan lang ang tao na andito sa pool. Palalim na din ang gabi. Yung mga iba baka nasa bar na.

"Saan kaya dito sina Mattie? Hindi natin sila nakasalubong di ba? Nakita mo ba?" Tanong sa akin ni Karla ng makapwesto na kami.

"Hindi rin. Baka nasa bar sila ng hotel."

Without YouWhere stories live. Discover now