Chapter 53 - Past disturbing comeback

93 1 0
                                    

What will happen tomorrow? The next day? About my future? Me and my babe?

Wala akong ideya kung nakaalis na ba siya. Kung aalis pa lang ba siya. Hindi siya nagsasabi sa akin. Wala talaga akong kaalam-alam. Tama na yung isang beses siyang magpaalam.

"Alam mo ba na buntis ngayon si Gia." Mattie gossiped at me.

Nanlaki ang mga mata ko. "Is that true?" Ang hirap paniwalaan. Officemates din namin siya pero sa iba siyang department. Nagagandahan ako sa kanya kaya medyo kilala ko siya, sa pangalan lang.

"Oo. Ngayon ko nga lang din nalaman ang balita. Iba talaga anh ikot ng mundo. Yung akala mong napakainosente, yun din pala ang may itinatago."

"Parang hindi naman kapani-paniwala yang balita mo. Ang liit nga nung tiyan niya tapos buntis na. Wala naman akong napapansing pagbabago sa katawan niya. Tulad pa rin naman siya dati. Seksi pa rin." Na kinaiinggitan ko.

"Noon yun. Halata na kayang lumalaki ang tiyan niya ngayon. Kailan mo ba siya huling nakita, aber?"

"Paano ko pa siya makikita kung leave siya ng leave di ba?"

"Yun na nga. Dahil buntis siya."

"Kilala ba natin ang nakabuntis sa kanya? Ang ganda niyang babae, bakit nagpabuntis siya in that age."

"G*ga. Sa tingin mo, mas bata pa siya sayo? Mas nauna pa kaya yun sa akin. Nasa right age na siya para magkaroon ng sariling pamilya. Baby face lang siya kaya napagkakamalan na bata pa rin. Ikaw nga rin, pwede ng magka-baby."

"Kung ikaw kaya maunang magbuntis. Tutal, ikaw naman ang nauna sa ating dalawa." Sumbat ko.

"No way. Can't handle right now."

"Yun naman pala eh." Mas lalo naman ako.

"Sayang. Pero okay na rin yun no. At least hindi siya iniwan nung lalaki."

"Sino ba yung lalaki? Sana gwapo rin para maging cute ang maging baby nila."

"Colle." She simply answered.

"Colle?" Bulalas ko. Gwapo rin yung isang yun e. Pero mas gwapo lang itong si Calvin. At siya lang din ang prince charming ko dito sa office. "Sila talaga? As in?" Nabawasan na naman ang mga gwapong single sa mundo.

"Oo. Biglaan no? Hindi mo rin ba alam na may relasyon sila?"

"True. Hindi ko din alam. Akala ko nga si Brenna ang girlfriend niya. Sila kasi yung palaging magkasama pag nakikita ko sila."

"Magpinsan ang mga yun."

"Ganun ba? Akala ko naman. Marami talaga ang namamatay sa maling akala."

"Isa ka na dun."

***

Ping!

Itinaas ko ang buhok ko ng mahihiga na ako. Mag-a-update sana ako sa novel ko kaya lang sinumpong na naman ako ng katamaran. Bukas na lang ulit. Kailangan ko ng matulog para maipahinga ko naman ang sakit ng katawan ko sa buong maghapon na trabaho.

Ping!

Sino na naman kaya ito? Magpapahinga na dapat ako. Inabot ko sa night stand ang phone ko.

Wyna.

'Okay na pala kayo ni Caleb. Hindi mo sinasabi sa akin. Tapos ngayon, malalaman ko lang kay tita Joe na magkasama pala kayong pumunta ng Cebu. I'm so happy for you. I'm grateful na nagkaayos na kayo.'

Napaupo agad ako ng matapos kong mabasa ang laman ng text niya. Inulit ko pang binasa baka namalikmata lang ako. Kaya lang, hindi talaga ako nananaginip.

Without YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant