Chapter 15

134 2 0
                                    

"Matagal ka pa ba?"

"Ten minutes more."

Kanina pa niya ako tinatanong kung matatapos na ba ako sa pag-aayos sa sarili ko. Paglabas ko ng cr kanina, sinundan niya ako sa kwarto. Narinig niya siguro ang impit na tunog ng pagbukas ko ng pinto.

Hindi pa ako nakapagbihis. Balak ko sana sa kwarto na kaya lang sinundan naman niya ako. Dumiretso ito ng higa at tumingin sa akin. Minamanman niya ang bawat kilos ko.

Inaral ko ang sarili ko sa salamin habang nagpapahid ako ng palamuti ko sa mukha. Pagkuway, sumusulyap ako sa gawi niya through the mirror. At may iilang beses na nagtatama ang mga paningin namin.

"Maghanap ka muna ng pwede mong pagkaabalahan ng hindi ka nababagot diyan na maghintay sa akin." pansin ko para hindi lang ang nakatitig sa akin ang gawin niya.

"Gusto ko lang mahiga ng buong araw. Nakatingin sayo. Kasama ka kahit saan para makilala kita ng husto. Walang hassle." isinama pa niya talaga ako sa gusto niyang gawin.

"E di huwag na lang tayong lumabas kung gusto mong magpahinga. Mahaba pa ang magiging biyahe mo bukas, doble ang pagod mo." tumigil na muna ako sa ginagawa ko at hinarap ko siya.

"Gusto mo bang lumabas ngayon?"

"Hindi ko alam. Ikaw." tinuloy ko ang ginagawa ko. Nasimulan ko ng mag-ayos kaya tatapusin ko na.

"Pumunta na lang tayo sa mall. Doon na lang tayo maglunch." sabi niya while moving up the bed. Umupo ito.

"Sige." sagot ko sa kanya na nakatingin ako sa salamin.

Pumipili ako ng isusuot kong damit sa loob ng cabinet. Hindi ako makapagdesisyon sa kung ano ang gagamitin ko.

Hindi ko narinig ang mga yabag niyang lumapit sa akin. Sadyang inilagay nito ang kamay sa tagiliran ko na naging dahilan para mabilis kong takpan ang mga underwear ko. Open kasi yung drawer na paglagyan kaya tinakpan ko ng mga pants.

"Ano ba. Bawal ka dito. Bumalik ka na dun." itinulak ko siya gamit ang siko ko pero lalong lang niyang tinignan kung ano ang nasa loob ng cabinet ko. Damit ko lang naman ang mga nasa loob.

"Ano bang makikita ko sa loob na ayaw mong makita ko?"

"Wala. Lumayo ka nga dito. Or better yet, sa labas ka na muna para makapagpalit na ako ng damit at ng makaalis na tayo." suggested ko.

"Ano bang masama kung nandito lang ako habang nagpapalit ka ng damit? Ang init kaya sa labas. Tapos, papupuntahin mo lang ako dun." and then out of nowhere, he gave me a chaste kiss on my cheeks. Dumapo ang kamay ko sa parteng lumapat ang lips niya. Masasabi kong malambot ang mga labi niya. Hindi ko inakala.

Naghalungkat ito sa mga pile ng mga damit ko. Wala na akong nagawa kundi hayaan na lang siya. Kasi nga nawiwindang pa rin ako sa ginawa niya.

Sa tingin ko, sa ginagawa niya ngayon, siya ang pipili ng maisusuot ko ngayon lalabas kami. Napansin niya siguro sa expression ng mukha ko na hindi ako makapili.

Matanong nga siya. "Anong ginagawa mo?"

"Ako na ang pipili ng damit na isusuot mo. Hindi ka kasi makapili. Ano kaya dito?" ng hawakan niya ang pantalon na ginawa kong pangsara sa mga underwear ko. Hinila ko na ang kamay niya.

"Ang kulit mo. May isusuot na ako. Doon ka na." humarap ako sa kanya para maitulak ko siya paatras hanggang sa mapaupo ito sa kama. "Diyan ka lang. Huwag kang aalis."

Pagkatalikod ko pa lang sa kanya... "Black shorts and tshirt."

"Ha?"

"Yun na lang ang suutin mo." ang mga sinabi niyang isusuot ko, makikita sa unang pile ng nakatupi kong mga damit. Grabe ang ginawa niyang paghalungkat pero ang nasa ibabaw lang pala ang gusto niya. "Sige na. Magpalit ka na at ng makaalis na tayo."

Without YouWhere stories live. Discover now