Chapter 73 - tHe dAy I nEvEr DrEam

134 2 0
                                    

Dalawang araw na ang lumipas pero hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang mga huling binigkas ni Seb sa akin ng umagang yun. Ano kaya ang ibig niyang sabihin sa bagay na yun? Para saan ang mga sinabi niya? Anong rason para sa akin niya sabihin? Pero sa akin ba talaga? O pinapagaan niya lang ang loob ko?

Narito na naman sa loob-loob ko na sana tinanong ko na lang siya pagkatapos. Nagsisisi na naman ako kung bakit hindi ko siya nagawang tanungin agad. Why did he missed me?

After I heard those words to him, walking away fast enough was my very first instant reaction. Sumasakit na ang tenga ko sa kakarinig ng lakas ng kabog ng puso ko. Hanggang ngayon, ang puso ko pa rin ang naririnig ko. Nagigipit ako sa hindi ko pwedeng maramdaman at sa nararamdaman ko ngayon.

Wala pa kaming komunikasyon ni Seb. Nasa akin pa rin yung dati niyang phone number pero hindi ko na alam kung yun pa rin ang ginagamit niya ngayon. Hihintayin ko na lang na siya ang unang makipag-communicate sa akin. Kung paano sila nagkakasundo ng anak niya. Ayaw ko naman na ako ang unang tumawag sa kanya, dahil hindi ako desperada.

Hindi pa maliwanag sa akin ang lahat. Bakit na-miss niya ako? Sa anong rason? Na-miss niya ba ako dahil sa mga pinagsamahan namin? Yun ba yun? Hindi naman na-miss niya ako dahil sa mahal na niya ako. Maniniwala na sana ako na mahal niya ako kung wala lang si Asthrid sa picture.

Dahil sa nabunyag na ang sikreto ko, wala ng dahilan pa para hindi puntahan ni Seb si Cato. At wala na akong karapatan para pigilan siya sa gusto niyang gawin. Napag-alaman ko na siya daw ang nag-alaga sa anak namin simula pa kahapon. Hahayaan ko na muna silang dalawa para mag-bonding. Tutal gusto niyang bumawi sa anak niya.

Bago ako umalis sa bahay nila, nag usap-usap na muna kaming lahat. Tahimik lang ako sa tabi ni Wyna at nakikinig sa mga usapan nila. Hanggang sa umalis ako, hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon ni Seb para dugtungan ang naging pag-uusap namin. Humingi na din ng tawad si Seb sa kanila lalo na sa Mama niya na nasigawan niya. Hindi kumakalma ang kalooban ko sa kadahilanang hindi pa niya kinakausap si Nico. Wala naman talagang kasalanan ang isa. Mukhang si Nico ang pinagpapasan niya ng galit niya. Kailangan ko siyang makausap sa bagay na yun. Kailangan kong ayusin ang gusot sa pagitan nilang dalawa.

Hindi naman kami siguro magkakasabay sa pagbisita sa anak namin no? Jealousy strikes me. Dahil mas maraming oras si Seb na ilalaan sa anak namin kesa sa akin. Saka lang ako napapaluwas doon pag weekend o kaya ay holidays. Paano kung silang dalawa ni Asthrid ang nag-aalaga sa kanya pag kinukuha niya ito? Ayaw kong isipin.

I gulped, shaking my head. Si Seb na mismo ang nagsabi sa akin na hindi niya ilalayo sa akin ang anak ko. Kailangang positive ako lagi. Hindi dapat ako mag-isip ng negatibo. Masama yun sa kalusugan. Kind of stressful.

--

Bumaba na ako ng jeep ng malapit na ako sa pinagtatrabahuan kong kompanya. Maglalakad pa ako ng isang metro kasi bawal na silang magbaba sa mismong tapat ng opisina namin. Hindi naman ako nagrereklamo kasi hindi pa naman nakakasira ng balat ang sikat ng araw. Vitamins pa rin ang hatid nito.

Parang ngayon lang ako ginanahan na magtrabaho ulit. Parang good vibes ako ngayon. May mangyayari sigurong maganda. Hoping.

Nasa may entrance na ako ng company ng biglang makita ko si Valeen na papalabas. Napatigil kami ng magkaharap na kami. How can she cope up ngayong malapit ng umalis si Calvin. Magre-resign na siya at iiwan na niya kami. Sana katulad ko din siya na makakapagtrabaho na sa ibang bansa. Tatapusin niya lang ang kasal nila ni Valeen then after, hihintayin na lang din niya ang araw ng flight niya. Pupunta na siya ng Thailand at doon siya for two years.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya. Parang nagmamadali kasi siya. May emergency ba? "Sasamahan na kita. Maaga pa naman." Sabi ko sabay tingin sa oras sa suot kong relos.

Without YouWhere stories live. Discover now