Chapter 67 - Heart in a long Line

88 1 0
                                    

Seb's POV

Hindi na ako tumuloy pa sa Laguna dahil tumawag na si Albert sa akin na nasolusyonan na nila ang problema sa restaurant ko doon. Buti nga at hindi pa ako masyadong nakakalayo. My current assistant in Laguna branch still anew to the environment. Kaya hindi pa niya maiwasan ang hindi magkamali. May past experience na siya kaya doon ko na siya in-assign but as what I've said earlier, iba ang business ko. Pinapunta ko na doon ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tao to assist him at any cost and time. Gusto ko pa rin sana silang bisitahin to make sure na wala ng losses on my part pero gagawin ko na lang yun sa ibang araw.

Nagpabili sa akin si Asthrid ng pizza, bumili ako, idadaan ko na sa condo para makain na niya habang mainit-init pa. What I didn't expected when I arrived in my condo, isasalubong sa akin ni Asthrid na nandito si Wyna.

Nangunot ang noo ko dahil hindi ko naman siya pinapunta dito. At hindi rin siya nagagawi dito pag nandito si Asthrid. Ano ang gagawin niya dito? Anong kukunin niya dito?

"Sabi niya, pinakiusapan siya ni Tita Joe. I think, may kukunin siyang documents or so. Kanina pa siya sa kwarto mo. Ayaw ko naman siyang pakialaman or kausapin to help sana kaya lang kumukulo pa ang dugo niya sa akin." And that statement answered the question in my head.

Ipinatong ko sa counter ang binili kong pizza. At lumapit ako sa kwarto ko. Hindi ko siya nakita sa bedroom ko. Pumunta pa ako sa isang pinto at naabutan ko si Wyna na nasa tapat ng drawer ko. Paano niya nakita ang susi ko doon? Ni minsan hindi ako pinilit ni Asthrid na buksan ang bagay na yun pero bakit? Bakit binuksan ni Wyna. She doesn't have any right to barge in my room without my consent.

She turned, napatalon siya sa gulat at napahawak siya sa puso niya ng makita niya ako.

"Kuya Caleb? Nakakagulat ka naman. Aatakehin yata ako sa puso nito."

"Wyna? What.. are you doing here?" May kung anong bagay na mabilis niyang itinago sa likod niya. Iisa lang ang nasa isip ko kung ano ang kinuha niya. "Ano yang hawak mo?"

"Ha? Wala 'to kuya. Hi..nihintay kita kasi.. may.. may.. itatanong sana ako sayo. Habang naghihintay ako sayo.. nag-nag.. tumingin-tingin na muna ako rito." Nabubulol niyang wika. Pero hindi ako naniniwala. Nagsisinungaling siya.

"Alam mong ayaw ko ng nagsisinungaling Wyna. Ano yang hawak mo?"

"Kuya--" garalgal na ang boses niya. Natatakot siya sa akin pag alam niyang nabuko ko siya.

"Sinabi mo kay Asthrid na may kukunin ka dito na iniuutos ni Mama sayo tapos sasabihin mo sa akin ngayon na pumunta ka dito ay dahil may itatanong ka. Pwede mo naman akong tawagan di ba?" Ng hindi na siya makapagsalita, lumapit ako sa kanya at kinuha ko sa likod niya kung ano man ang hawak niya. Passport ni Shienne. "Bakit kinuha mo ito? Anong gagawin mo dito?"

"Kuya,"

"Pinapakuha niya ba ito sayo Wyna? May balak ba siyang umalis?"

"Hindi naman sa ganun Kuya. Aanhin mo pa kasi ito? Dapat lang na ibalik mo na sa kanya."

"Hindi. Hindi mo ito pwedeng kunin sa akin. At sabihin mo kay Shienne, hinding-hindi siya aalis. Sabihin mo sa akin kung nasaan siya? Kung saan siya nakatira ngayon. Is she really trying to avoid me?"

"Kuya, she's happy. Mahirap tanggapin pero ginagawa niya ang lahat ng ito for your sake. Ayaw niya na bigyan ka pa ng problema. Baka kasi, pag malapit lang siya.. mas gugulo lang ang lahat."

"Masaya ba talaga siya?"

"Yes kuya. She's very happy pero may time na malungkot siya but it's not you. Maybe some other things."

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon