Chapter 2- "Tagaytay Escapade"

375 2 0
                                    

"Ang bagal mo kanina pa ako dito. Saan ka na ba?"

"Apartment." sagot ko.

"Ano pa ang ginagawa mo diyan?"

Ramdam ko na sa boses ng kaibigan ko ang pagkainip. Sabi kasi niya, magpapasama siyang bumili ng susuutin niya for our Tagaytay trip for tomorrow. Ang dami dami na niyang damit. Kailangan niya pa talagang magsuot ng bagong damit para lang pumuntang Tagaytay.

Maaga kaming natapos sa trabaho kasi my assembly meeting ang mga heads namin. Sinamantala naman ni Mattie ang pagkakataon para makapagshopping. Sinabi pa niyang perfect timing itong lakad namin. Ang balak niya, dumiretso na kami sa mall pero sinabi ko muna sa kanya na dadaan lang ako saglit sa apartment para magpalit ng shoes. Gusto ko talagang magpalit. Ayokong nakaheels na paikot ikot sa mall. Mamamaga ang mga paa ko. About kay Karla naman, itetext ko na lang siya mamayang gabi kung saan kami magkikita. Madaling araw kami magbabyahe bukas.

"Nagpapalit." sagot ko sa tanong niya.

Tinignan ko ang oras sa ipad ko at nanlaki ang mga mata ko. Isang oras ng naghihintay sakin si Mattie sa mall. One hour akong naidlip.

Pagkarating ko kasi kanina, humiga muna ako at pinikit ko yung mga mata ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako. Nagising lang ako ng naramdaman kong nagvibrate itong hawak kong cellphone. Ang dami kong namissed na tawag ni Mattie.

"Huwag mong sabihin sakin na isang oras ka ng pumipili ng damit mo. Kanina pa ako tumatawag sayo pero hindi mo sinasagot."

Binulyawan ako. "Naidlip ako. Sorry na."

"Bilisan mo." bulyaw ulit nito sakin tapos in-end niya na yung call.

Hindi naman ako magpapalit ng damit. Heels lang talaga. Masakit kaya sa paa. Bumangon na ako at kinuha ko yung shoes ko na nakadisplay sa tabi ng CR. Pumasok ako sa CR at nag retouch ng konti. Ng makuntento na ako sa inilagay kong powder sa mukha ko, lumabas na ako at hinarap ko naman yung bag ko. Inilabas ko yung mga documents sa bag ko na naiuwi ko. Ayaw kong dalhin no. Ang bigat kaya. Baka maiwala ko lang.

Paglabas ko ng apartment, pansin kong makulimlim ang langit. Uulan na naman siguro. Nag abang ako ng trycicle kasi medyo malayo yung mall dito. Mga 15 to 20 minutes yung byahe. Lalo lang akong matatagalan pag maglalakad pa ako. Pinara ko yung unang trycicle na dadaan sa gawi ko. Swerte ko kasi tumigil siya.

"Kuya pahatid po sa mall. Pwede?"

"Sige Ineng."

Sumakay na ako. Nagvibrate ulit yung cp ko.

"Nakasakay ka na ba?" text sa akin ni Mattie. Hindi na talaga makapaghintay.

"Opo. Papunta na ako dyan. Saang parte ka?" reply ko sa kanya.

"Dito sa Jollibee. Mahigit isang oras na akong nakatambay dito. Kung sinu-sino na ang mga nakiupo sa pwesto ko. Kasalanan mo to eh. Ikaw dapat magbayad ng lahat ng kinain ko."

"Bakit ka diyan kasi nagtambay? Madami namang park. O kaya sinimulan mo na lang sanang bumili ng mga damit mo."

"Ayaw ko nga ng walang kasama di ba? Hindi ako makapili ng maayos."

"Reasons. Ang sabihin mo, wala kang taga bitbit."

"Isa na yan. Palabas na ako ng Jollibee." sabi ni Mattie.

Hindi ko na siya nireplayan pa. Dumiretso agad ako sa loob ng mall pagkababa ko ng trycicle.

Nagkita kami sa harapan ng forever 21 store. Tumingin tingin lang kami ng damit sa loob pero hindi kami bumili. Medyo mahal para sa amin, hindi namin afford. Mas gusto kasi namin yung mura pero maganda yung quality. Kapag branded, isang damit lang ang mabibili mo sa tatlong daan, pag sa tiangge, may chance pa na tatlong klase yung mabili mo. Pare-pareho lang naman ang mga damit, nasa tao lang naman kung paano niya ito aalagaan. Ito kasing si Mattie, may mall pang nalalaman. Sa malapit lang naman kami pupunta.

Without Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن