Chapter 52 - Clash of Questions

106 2 0
                                    

Umuuwi siya sa unit niya pag naihatid na niya ako sa bahay nila.

Sinasamahan niya ba ang babaeng yun?

Madalang kaming mag-usap.

Mas madalas ba silang mag-usap?

"Napapadalas daw ang hindi pagbisita ni kuya sa mga restaurants niya. Saka lang din daw siya pupunta ng office pag may ibang kailangan si tita Joe. Yung mga ibang trabaho nga niya ay tinatapos niya sa unit niya. Tapos maaga daw siyang umaalis ng opisina pag pumunta siya. Hindi daw tulad ng dati na ginagabi siyang umuwi."

Simula nung araw na nakita ko si Asthrid sa unit ni Seb, hindi na ito mawala-wala sa isip ko. Hindi na maalis ang takot sa puso ko. Parang mas nakalamang pa ang babaeng yun kesa sa akin.

Paano kung noon, itinuloy ko ang pagtira sa unit niya. Paano kung tinanggap ko ang offer niya noon na bibigyan niya ako ng trabaho sa restaurant niya. Anong mangyayari?

I'm proud of myself na hindi ako nagpa-agos sa nararamdaman ko noon. Buti na lang napigilan ko ang sarili ko noon. Dahil marami pa pala ang mangyayari sa hinaharap ng hindi ko inaasahan. May mababago pa pala kung ano kami noon.

Minsan naiisip ko, bakit ang tanga ko at hindi ko man lang nakita. Yun na eh. Hindi na kami gaanong nag-uusap, nagkikita, sana nagtaka na ako nung una pa lang. Dapat tinanong ko na siya kung may problema ba. Kung anong ginawa kong mali. Dahil sa pesteng tiwala na yan, nasira lang ang lahat. Dahil sa ugali kong nahihiya, hindi ko nagawang itanong. Hindi ko pa rin magawang itanong.

Siguro, sa umpisa pa lang ng relasyon namin, may loopholes na talaga, nagpakabulag lang ako sa feelings ko. Dahil sa pagmamahal ko sa kanya kaya hindi ko binigyang pansin.

Ilang araw na matapos ang insidenteng iyon, hindi ko pa rin siya magawang tanungin. Hindi pa rin niya sinasabi sa akin ang totoo. Tungkol kay Asthrid, sa lihim niya.

Nananatili din na lihim ang pagpunta namin doon ni Wyna. Pati mga kaibigan ko, hindi ko magawang ikwento sa kanila ang nangyari. Magiging lihim ang bagay na yun.

I can picture him in my head even my eyes are open. I can't concentrate. My heart still hurting, still in sorrow.

He can't even think of me right now.

Nakatulala ako sa picture niya sa phone ko. Until it became blurred in my vision. Pinagmamasdan ko lang naman ang mukha niya pero bakit lumalabo na siya sa paningin ko.

Paano mo nagawang itago sa akin? Kailan ka pa nagsisinungaling sa akin Seb? Wala lang ba talaga sayo itong nararamdaman ko? Intindihan mo naman sana yung nararamdaman ko. Mahal kita e, mahal mo ako. Bakit may gusto ka pang iba.

Babe.

Babe.

Babe, mahal mo ba talaga ako? Naging totoo ka ba sa akin? Kung naging totoo ka man, bakit itinatago mo si Asthrid sa lahat. Lalo na sa akin.

Nagbago ka ba dahil sa kanya? Nagbago ka na nga. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko.

Girlfriend mo ako. Ako dapat ang nasa tabi mo. Hindi siya. Ako ang mahal mo. Ako ang nagmamay-ari ng puso mo. Ako ang nagmamay-ari ng puso mo di ba?

Sana huwag bumalik ang nakaraan niyo. Sana nakamove on ka na talaga. Sana ako na talaga. Sana ako na ang laman ng puso mo. Sana ako na ang nakahawak. Sana ako na.

"Bakit ka umiiyak?" Bulyaw ni Mattie.

Nagulantang ang sistema ko ng sabay na tapikin ni Valeen ang balikat ko. Baka hindi ko pa malalaman na ako ang tinutukoy ni Mattie.

Without YouWhere stories live. Discover now