Chapter 36 - It's official, Zambales

108 0 0
                                    

Pagkakuha namin ng mga gamit sa sasakyan, nag-hintay kami ng trycicle para ihatid kami sa daungan ng mga bangka na papuntang anawangin cove or everywhere under our package tour.

Well, si Seb lang naman ang humawak sa mga gamit ko. Isang travelling bag, one pillow and isang paper bag kung saan nakalagay ang ilan sa mga nessecities ko.

“Oo nga pala, may dala ka bang power bank?” tanong ko sa katabi kong si Seb. Hindi ko talaga nadala yung akin. Kung wala rin kay Seb, kay Matt na lang ako manghihiram.

Mattie is currently negotiating with the driver about sa fare namin. Masyado kasing mahal maningil, e, ang dami naman namin. Saka ilang minuto lang naman ang byahe.

“Meron, do you need it now? Nasa loob ng bagpack ko.”

“Hindi naman. Pero malapit na kasing ma-lowbat itong cell ko. Nakalimutan ko kasing dalhin yung akin.”

Bakit ba sa tuwing natitigil na lang kami, may hawak na sigarilyo ang mga kaibigan nitong si Seb. “Okay. Later.” sagot niya.

“Guys, let’s go. It’s settled.” sigaw ni Matt para marinig namin. Sa wakas, malapit na rin kami sa pupuntahan namin.

“Akin na kasi yung iba. Para hindi ka nabibigatan. Halata namang medyo hindi mo na kayang buhatin. Lumalabas na yung mga pawis mo sa forehead o.” pansin ko. Pinunasan ko ito gamit ang panyo ko. Huli na para maisip ko ang nagawa ko. “Sorry.” sambit ko. Baka madumi ang tingin niya sa panyo ko kaya humingi ako ng tawad.

“Kaya ko pa. Ang gaan nga ng mga dala mo. Baka kaya pa kitang isabay buhatin. Bakit ka nagsosorry? Ang sweet nga e. Mama ko pa lang ang nakakagawa niyan sa akin.”

“Sweet na, dahil lang dun. OA. Pero nga, baka nga nabibigatan ka na. Kahit ibigay mo lang yang paper bag.”

“Sumakay ka na.”

“Bahala ka nga. Huwag ako ang sisihin mo pag sumakit yang katawan mo.” I will put the blame on him in case na ako ang sisihin niya. Sarili niya talaga ang sisihin niya.

Nauna akong pumasok sa loob ng trycicle dahil sinabi niya. Sina Matt at Stephen naman ang nasa likod ng driver.

Ilan naman kaya ang babayaran namin dito? Tapos sa bangka pa daw na nabasa ni Matt sa mga traveler blogs na nasearch niya kay mr. google, umaabot daw ng thousand per bangka. Ewan ko na lang. Hati-hati naman kami sa gastos if ever tapos na ang package tour namin dito. Ico-compute ni Matt, ayaw niyang siya lang ang malugi.

“Nasisikipan ka ba?” hindi kasi siya mapakali sa tabi ko.

“Hindi naman. Kaya lang masyadong maliit itong trycicle. Hindi ako makaupo ng maayos.”

“Ikaw naman kasi kung bakit sumunod ka pa sa akin dito. Ikaw? Kung magpapalit kayo ni Matt para dun ka na lang sa likod. Sasabihin ko sa kanya.” suggest ko pero mukhang ayaw niya talaga.

“Malapit naman yung pupuntahin natin. Titiisin ko na lang.”

I shrugged my shoulder. After how long, nakarating na rin kami. Kita ko na ang lawak ng dagat. Ang mga bundok na naguunahan sa pagtaas na nasa gitna ng malawak na tubig. Pagtingin ko sa mga bangka, gumagalaw ang mga ito dahil sa bigay ng alon. At... kinabahan ako.

First time kong sumakay ng ganyang bangka. Well, it’s not exactly my first time, pero ng ganitong klase ng bangka. Feeling ko kasi matataob anytime na umaandar na ito sa gitna ng dagat. Kaba at takot na ang pumapaloob sa akin. I’m feeling seasick already. Tinignan ko din ang ibang mga bangka at magkakapareho silang lahat. Challenging ang sumakay sa mga ganyan pag first time pero umaapaw ang takot ko.

Without YouKde žijí příběhy. Začni objevovat